Pitong Pelikula para sa Unang MarSU Film Festival ngayong Buwan ng mga Sining

Pitong Pelikula para sa Unang MarSU Film Festival ngayong Buwan ng mga Sining

BOAC, Marinduque – Muling ipapalabas ang Sine Gunita ng Marinduque State University sa darating na Pebrero kasabay ng Buwan ng mga Sining at pagkakatatag ng College of Arts and Social Sciences. Mayroong pitong pelikula na opisyal na kalahok sa 1st MarSU Film Festival. Pagpapatuloy ito ng tradisyon ng Communication Society sa pagkilala sa mga obrang estudyante at pagkukwento sa isla.

Kasama sa mga opisyal na listahan ng mga maiksing pelikula, “Sa mga Mata Nakikita” ni AC Manrique, “Puso’y Dos” ni Querubín Gonzalez, “Paninihi” ni Jasmine Monponbanua, “Alpas” ni Nhel Anthony Lolong, “Himbing sa mga Agos” ni Isabel de Luna, “Dangal ng Putik” ni Mia Kristel Delarmente at “Bangkang Papel” ni Joseph Teodoro Peña.

Ayon sa MarSU Communication Society, “Ilang araw na lang at sabay-sabay nating masasaksihan ang pagbubukas ng 1st MarSU Film Festival, tampok ang mga pelikulang likha ng talento at husay ng mga mag-aaral ng unibersidad.Ngunit bago natin saksihan ang kanilang likhang sining, halina’t ating silipin ang kanilang mundo at kilalanin ang mga mukha sa likod ng produksyon ng bawat pelikula. Sa likod ng bawat eksena ay matatagpuan ang pawis, luha, at ligaya — ay mga alaalang sumasalamin sa tunay na kwento ng isla. Sama-sama nating damhin ang sining ng pelikula, ang mga obra ng kabataang may pangarap at adhikain. Abangan sa mga darating na araw—huwag palampasin!”

Dagdag pa nila, Hatid sa inyo ng Communication Society, ang programang nagpanimula sa pagningning ng talento sa pagkwento at pagkuha, the First MarSU Film Festival, the Official Film Entries! Handa nang ipamalas at ipagmalaki ang mga kwento ng kultura at talentong Marinduqueño gamit ang lente at kamera, mga pelikulang pupukaw sa inyong mga damdamin. Kilalanin natin ang bawat likha sa pasilip ng pamagat ng bawat kwentong dapat ninyong abangan!  # Randy T. Nobleza, Ph.D.

PRESS RELEASE