Bagong Automated Counting Machine (ACM) ipinakita at sinubukan gamitin sa BCPO

Bagong Automated Counting Machine (ACM) ipinakita at sinubukan gamitin sa BCPO

Sa isinagawang press conference ng Commission on Elections (COMELEC) sa Baguio City Police Office na pinagunahan ni Election Officer, COMELEC-Baguio Atty. John Paul Martin.

Sa pambungad na pananalita ni BCPO City Director PCOL RUEL D. TAGEL ay ipinaunawa rito ang karapatan ng bawat isa kaugnay sa darating na halalan ay mahaharap tayo sa challenges nitong bagong automated counting machine kung kaya hinihikayat nito ang pakikipagtulungan sa mga kinauukulan mula sa DILG, kapulisan, at ang media tinukoy na ang role ng media ay bilang watchdog hindi lang sa panahon ng election kundi sa buong panahon ng proseso, kailangan mag provide ng voters with access information not only about the candidates but also the election process itself to include position involve in the operations of these  automated counting machine,”

Sinabi naman ni Atty. John Paul Martin, “The dissemination of this information na ang bagong makina na gagamitin sa election ay iba duon sa dati natin ginamit noong 2010, 2013, 2016, 2019 at 2022 elections,  makikita natin na ito ay mas mabilis, mas user friendly at may mga bagong features,”

Ipinahayag nito ang statistics ng mga botante sa buong Pilipinas na may 68,697,596 registered voters , 438,502 Establishments Precincts, 93,273 Clustered Precincts at 37,525 Voting Centers mababawasan pa ito dahil may memo for as to archive and the activate yun mga nagpa rehistro sa overseas at yun mga nag transfer so this is as of November 30, 2024.

Sa Baguio City naman ay may 167,465 registered voters as of November 30, 2024, may 1,026 Established Precincts, 232 Clustered Precincts at 60 Voting Centers.

Tandaan natin ang mga Important Dates na ang Election Period ay mula January 12 hanggang June 11, 2025, ang campaign period ng National Positions ay magsisimula sa February 11 to May 10, 2025, (except April 17 & 18) ang campaign period naman for Local Positions ay magsisimula sa March 28 to May 10, 2025 (except April 17 & 18) Voting by Overseas Voters  April 13 to May 12, 2025, Voting by Local Absentee Voters April 28 to 30, 2025, Final Testing and Sealing of ACM is on May 2 to 7, 2025, Election Day is May 12, 2025, and Last Day to file Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) is on June 11, 2025.

Voting Hours from 7 AM to 7 PM Regular Voting Hours

5:00 AM to 7:00 PM Early Voting Hours for Persons with Disability, Senior Citizens including their  assistors if any, and pregnant voters.

5:00 AM to 5: PM – Voting in the Priority Polling Place

7:00 AM to 3:00 PM  – Voting in the Persons Deprived of Liberty – Special Polling Place (PDL-SPP)

Ipinakita ng COMELEC ang paggamit ng bagong Automated Counting Machine (ACM) para sa darating na May 2025 National and Local Elections sa isang hands-on session. Pinangunahan ni BCPO City Director PCOL RUEL D. TAGEL at ilang personnel ng pulisya ganun rin ang mga media practitioner para subukan gamitin ang bagong ACM.

Ingatan natin ang balota dahil ito ay manipis lamang na may 95 gsm lang ang kapal kumpara sa 165 gsm dati,  kapag nabasa ito ay pwedeng mapunit at huwag lalagyan ng mga unnecessary marks dahil mai invalidate ang balota.

Ang ACM ay standalone machine ito ay gagana kahit na baterya lang ang nakatabi dito

Hindi kailangan ng electrical outlet o ng iba pang kable upang gumana at I operate.

Ang batter ay may mahigit na 14-hour battery life at may anim na light bar indicators.

14”adjustable touchscreen at may privacy screen

Ito ay may automatic receipt cutting at built-in Voter’s Receipt Compartment

Ang MakaBAGOng Halalan para sa Maka BAGOng Pilipino

Ang May 12, 2025 National and Local Elections ay isang MakaBAGOng Halalan para sa MakaBAGOng Pilipino kaya naman mahalagang maramdaman ng sambayanang Pilipino ang kahalagahan ng bawat boto sa pamamagitan ng isang mas transparent, mas pinadali, mas inklusibo, at mas accountable na proseso ng pagboto at ang kabuuang sistema ng halalan.

Ang ACM ay may Advanced Encryption  Standard (AES) 256 upang magbigay seguridad sa mga nilalamang datos ng ACM at iwas hacking.  # Photo by Mario Oclaman //FNS

SA panayam kay COMELEC –CAR Director Julius Torres, sinabi nito na ang bagong Automated Counting Machine (ACM) ay ipinagmamalaki natin gamitin ito ngayon sa darating na halalan, makakaasa kayo na mas mabilis ang proseso ang pag feed at pag scan ng balota, may auto-align feature upang maiwasan ang paper jam at mas transparent makikita agad ng botante ang kanilang balota na tugma sa kanilang isinulat sa balota,” # Photo by Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman