YAP Panauhin Tagapagsalita sa Anibersaryo ng Mankayan
Mankayan, Benguet – Naging panauhin tagapagsalita si Benguet caretaker congressman at ACT-CIS Party-list Eric Yap sa ginanap na ika-108 taon anibersaryo ng Mankayan noong Marso 11, 2021, naging mainit ang pagsalubong ng mga barangay officials at ng kakailyan na pinangunahan ni Municipal Mayor Frenzel A. Ayong, kasama rin si Benguet Governor Melchor Diclas.
Sa mensahe ipinarating ni Yap ay binigyan niya ng panibagong pag-asa at sigla ang kanyang mga kababayan sa Benguet, “hindi lamang sa mga pangako ang dapat bigkasin kundi maipakita natin gagawin ito at mangyayari, magkakaroon ng katuparan, tulad ng mga programang lalong mapaganda ang tourist attraction dahil may natatagong yaman ang Mankayan na dapat ay maging isang tourist destination ng Benguet, kaya nakikita ko kung gaano mapapaganda at malaki ang tiyansang mag progress ito kung ano ang mga dapat ayusin ay isa na rito ang Balili Road at madagdagan pa ang Farm to Market Roads, kaya kailangan ay may maayos na mga kalsada sa Barangay Tacadang ng Kibungan at barangay Kayapa ng Bakun para may mabuksan tayong mga daraanan sa Camanpaguey hanggang Las-igan ng barangay Cabiten, Mankayan na papalabas ng Ilocos Sur na posibleng matapos ito sa susunod na taon,”
“May programa rin tayo ilalabas ang Cash for work, Livelihood assistance at iba pang public service na maaaring makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan.” Ani Yap Namahagi ng folding tent si Yap na dalawa sa bawat barangay at isa sa munisipyo, kasabay rin nito ang pag turnover ng tatlong sasakyang L300 Hyundai para sa tatlong barangay ng Mankayan. FNS/ Mario Oclaman