Pormal na nilagdaan ng MarSU ang pagpapanibago ng Book Nook Marinduque

Pormal na nilagdaan ng MarSU ang pagpapanibago ng Book Nook Marinduque

Photo credit: Mark Angelo Solo

Boac, Marinduque – Sa pagpapaunlak ng pangulo ng Marinduque State University, nilagadaan ang pagpapanibago ng kasunduan sa paggitan ng MarSU at National Book Development Board para ituloy ang Book Nook Marinduque na nakalagak sa MarSU Extramural Study Center sa Mogpog, Marinduque.

Noong Nobyembre 13, 2024, nilagdaan ng University President, Dr. Diosdado Zulueta ang renewal ng MOA MarSU at NBDB bilang pagpapalakad ng ugnayan ng kalidad na edukasyon at komunidad. Sinaksihan ng MarSU Mogpog Administrator Sir Jerick Jornadal at dating Area Coordinator ng Book Nook si Dr. Randy Nobleza ang nasabing okasyon. Eksakto naman ito sa paghahanda sa ikatlong taong anibersaryo ng Book Nook Marinduque sa Nobyembre 24, 2024.

Ayon sa MarSU ESC na social media account, “This collaboration aims to advance educational and literacy initiatives in the province, providing students and the local community with increased access to valuable resources and programs.”

Nagkaroon ng mga serye ng pulong sa online ang dating MarSU Mogpog administrator Dr. Gerald Gutierrez na siyang sinundan na area coordinator ng Book Nook Marinduque kasama ang NBDB Cluster head Bb. Patrisha Aine Yao. Dagdag pa ng MarSU Mogpog, “This agreement focuses on fostering literacy, improving access to educational materials, and promoting a culture of reading introducing and supporting initiatives aimed at enhancing literacy and reading skills, particularly among young learners and underserved groups in Marinduque.”

Malaking bagay ang Book Nook Marinduque sa pagtugon ng Sustainable Development Goal, sa partikular ng SDG 4 para sa quality education hindi lamang sa bayan ng Mogpog kundi maging sa buong lalawigan ng Marinduque kahit sa rehiyon ng Mimaropa. Ang pagpapanibago ay nagsasalamin ng ugnayan ng NBDB at MarSU bilang aktibong katuwang sa pagpapaunlad ng isla at bansa. Ayon pa sa MarSU Mogpog,  “active agent in educational development and literacy advocacy. The university anticipates that this collaboration will contribute significantly to the intellectual and social well-being of the Marinduque community, enriching lives through increased access to knowledge and resources.”

Sa darating na Nobyembre 25 at 26, magkakaroon ng gawain kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa, Literasi, Bata at mga Silid-aklatan o serbisyong pang-impormasyon. Tampok din ang mga ginawang island shorts, 120 sec proposals, folksong covers, pecha kucha presentation kung saan ilulunsad din ang “Marinduque Triannale at Intangible Cultural Heritage Trifecta” kasama ang moryonan, tubong at kalutang. Gawa ng mga mag-aaral ng MarSU College of Arts and Social Sciences, partikular ang mga kumukuha ng GE Elect 3: Philippine Popular Culture at Foreign Language: Japanese Language and Culture sa pangangasiwa ni Dr. Nobleza. (PR)

PRESS RELEASE