Pagbuo ng mas magandang kinabukasan sa pagbisita ni Gladys Vergara sa Better Living, Dominican Hill
Matagumpay ang ginawang pakikipag koordinasyon ni Purok Coordinator Michael Gayaman sa ginanap na pagpupulong ng Better Living Community sa Dominican Hill na kung saan ay may mahalagang tulong mula kay Peter “Princess” Melchor.
Sa pagbisita ni Baguio Tourism Council Chairperson Gladys Vergara ay naranasan nito ang mapaghamong 20 minutong paglalakbay sa matarik na baku-bakong daraanan bago marating ang komunidad ng Better Living.
Sa araw-araw na pakikibaka ng mga residente sa kanilang dinaraanan ay nakita ni Gladys kung paano kahirap ang pag akyat-panaog sa kanilang daanan.
Dahil dito ay nakatuon siya sa pagtugon sa isyung ito sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang network ng mga tagasuporta upang tumulong na mapabuti ang mga daanan, upang matiyak ang kaligtasan at mas madaling pag-access para sa komunidad.
Dagdag pa rito, tinalakay rin sa grupo ng kababaihan ang proyektong pangkabuhayan sa ilalim ng Greensoil Venture.
Ang inisyatiba na ito ay naglalayong magbigay ng napapanatiling mga pagkakataon para sa komunidad, na bigyan sila ng kapangyarihan sa pamamagitan ng adbokasiya sa kapaligiran at pag-unlad ng ekonomiya.
Hinikayat rin ni Gladys ang mga residente na lumahok sa nalalapit na An Enchanting Baguio Christmas Inter-Barangay Holiday Décor at Choral Contest ng Baguio Tourism Council, na nagsusulong ng pagkamalikhain at pakikipagkaibigan habang tayo ay nakikiisa sa pagdiriwang ng kapaskuhan sa lungsod. # (Mga larawan kuha ng GV-Glad to serve you)