SM Foundation, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Ilocos Norte

SM Foundation, naghatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Ilocos Norte

Agad na kumilos ang SM Foundation matapos ideklara ang state of calamity sa Ilocos Norte dahil sa Bagyong Julian. 

Sa pamamagitan ng Operation Tulong Express (OPTE), namahagi ang mga volunteer-employees mula SM City Laoag ng mahigit 750 Kalinga Packs sa mga apektadong pamilya.

Ang OPTE ay isang inisyatiba ng SM Foundation, SM Supermalls, at SM Markets na nagbibigay tulong tuwing may kalamidad. Simula nang ilunsad ito, mahigit 800,000 Kalinga Packs na ang naipamahagi sa iba’t ibang komunidad. (PR)

PRESS RELEASE