Pagdiriwang ng Ph Creative Industries Month sa Mimaropa patuloy sa Webinar

Pagdiriwang ng Ph Creative Industries Month sa Mimaropa patuloy sa Webinar

Mimaropa, South Luzon – Ngayong buwan ng Setyembre, magdaraos ang Multimedia Arts Association of the Philippines MMAAP Mimaropa ng webinar sa pagdiriwang ng Philippine Creative Industries Month sa Biyernes (Setyembre 13) tungkol sa “Sustainability through Creativity:” The power of responsible marketing.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng panunumpa ang bagong pamunuan ng MMAAP Mimaropa sa pamumuno ng National President ng MMAAP Inc Dr. Elizalde Duran. Nang nakaraang Sabado (Setyembre 7) ay nanumpa ang pangulo ng MMAAP Mimaropa Julius Atienza Aala, VP for Internal Affairs Dave Valenton, VP for External Affairs Pads Bernardo, VP for Education John Edgar Anthony, Secretary Janelle Alveyra, treasurer Wency Jorda at auditor Renthel Cueto. Kabilang naman sa MMAAP Mimaropa ang mga direktor, Danica Chelin Muñoz (professional membership), Paolo Ilagan (professional development committee), Corniel Jane Anne Camo (student membership), Mark Aaron Beltran (student development committee), Nelmar Jhon Gico (communications committee) at si Dr. Randy Nobleza (ways and means committee).

Bagamat nagsisimula pa lang lumago ang MMAAP Mimaropa, binubuo ng 19 na mag-aaral at 16 na propesyonal ay nakaabot na sa 4,209 na reach, 1,649 na engagement at 11 events sa serye nitong Creativity 101 webinar series. Patuloy lang ang bagong pamunuan sa Oktubre ang Adobe Creative Week, 17 panayam at 11 tagapagsalita sa lokal at internasyonal na mga grupo. Plano ng MMAAP national na magproseso ng mga sertipikasyon ng mga portfolio ng mga miyembro nito sa mga darating na panahon at magkaroon ng pandaigdigang kumperensiya bago matapos ang taon.  Randy Nobleza

PRESS RELEASE