Statement of Vice President Leni Robredo on the March 7 Massacres

Kahapon, ika-7 ng Marso, pinaslang ang siyam na community organizers sa Calabarzon—karamihan, sa alanganing oras at sa loob mismo ng kanilang mga tahanan—habang anim na iba pa ang inaresto.

There is no other way to describe this: It was a massacre. And it came just two days after the President himself ordered state forces to “ignore human rights,” kill communist rebels, and “finish them off,” in his rant before the National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Sa panahon kung kailan patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga namamatay, nagugutom at naghihirap dahil sa pandemya, ito ang masakit na katotohanan: Patuloy ang pagpatay sa Pilipino. Maglilimang taon nang pinapatay ang mga mahihirap sa ngalan ng isang drug war.

Mariin nating kinokondena ang mga pagpatay sa Calabarzon, gaya ng pagkondena natin sa pagkitil sa napakaraming inosenteng buhay sa ilalim ng administrasyong ito. Ang panawagan natin, katarungan. Nananawagan tayo na magkaroon ng malinis at independent na imbestigasyon para masigurong mapapanagot ang dapat mapanagot, at uusad ang hustisya.

Indeed, these are difficult and dangerous times. Kaya patuloy na mag-reach out sa mga kasama, check on your friends, at palaging mag-iingat.

Hindi ito ang panahon para magpatinag sa takot na pilit nilang ipinaparamdam sa atin. Bagkus, mas lumalakas lang ang panawagang ipakita na handa tayong magbigkis at magkapit-bisig para protektahan ang isa’t isa.

Na handa tayong tumindig at magsalita hindi lang para sa ating pamilya at mga kakilala, pero para sa ating kapwa na naniniwala sa mabuting pamamahala, kalayaan, at demokrasya.

Na kailangan nilang harapin ang bawat isa sa atin kung gusto nila tayong pigilan sa pagsambit ng katotohanan: The Filipino people deserve better than this murderous regime. ###

PRESS RELEASE