F2M partners complained about the delayed refund
“The leaders should take immediate legal action”
In Photo: (Top left Photo) Kono Maximo Lazaro Salinas – CEO, Farm to Market Paalaga System. Terence Tauli – Leader, Baguio City and Parners of F2M Paalaga System. Photo by: Mario Oclaman //FNS
Baguio City – Ilang kasosyo ng Farm to Market Paalaga System ang dumulog sa media para iparating ang kanilang mga hinaing kaugnay ng pagkaantala sa inaasahang refund ng kanilang kita.
Ang mga partners ay mula pa sa Tarlac, Vigan, Ilocos, Lagawe, Ifugao, Bambang, Nueva Vizcaya, Solano, Laoag City, La Trinidad, Mountain Province at Baguio City.
Sa salaysay ni Terence Tauli, ang pioneer leader at ang unang nagtayo ng branch sa Northern Luzon ay ipinaliwanag niya kung paano nagsimula ang Farm to Market Paalaga System sa Baguio City.
Ito ay isang klase ng networking business na kung saan ay nagre recruit ng mga partners tungkol sa pag invest ng hog raising.
Na recruit si Tauli ng dalawang networker na taga Manila na sina Jeff Balian at Joel Andrada matapos mailatag ang programa kay Tauli ay sinubukan niyang gawin itong pag invest at ng makita niya na magandang pagkakakitaan ay nagtuloy-tuloy lang ito hanggang sa ipinakilala sa kanya si Kono Maximo Salinas, naging malapit ang loob ni Tauli kay Kono ng isinama siya sa Binan, Laguna nagkakwentuhan tungkol sa pagne negosyo at nakita niya ang pagkatao ni Kono na mabuting tao ito sa kanilang lugar, matulungin sa tao at may mga charity awards rin nakikita sa kanyang Facebook.
Aware rin anya si Kono sa mga nababalitaan niyang scam dito sa Baguio City kaya nabanggit niya na gusto niyang matulungan ang mga nabiktima ng scam sa pamamagitan ng kanyang programa.
Ngunit sa pagpo promote niya ng Farm to Market sa Baguio ay walang naniwala dahil naitanim sa isip ng tao na scam anya ito tulad ng mga napabalita noong nakaraang buwan.
Sa naisip naman ni Joel Andrada na subukan nila magkaron ng programa sa radio upang mapabilis at maipaliwanag ng maayos ang programa ng F2M kaya dito nagkaron ng kontrata sa Radio station at sa mga nakakarinig nito ay may mga pumupunta na sa istasyon ng Radyo para mag-inquire.
For the last 1 year and two months ay wala pang problema maganda ang takbo ng negosyo lahat ay tumatanggap after 3 month kumikita sila sa komisyon lahat ng members at partners ng F2M.
Ngunit nagsimula noong July 15 na ang mga payout ay nagkaroon ng delays na mula noong July 15 hanggang ngayon August 30 ay wala pang payout na natanggap, kaya eto ngayon ang reklamo ng mga partners ng F2M.
“Sabihin na natin na lumagpas na ng isang buwan may nabanggit naman si Kono na update na magpapa refund ng capital sa mga partners at ang last na update niya ay ongoing kaya lang maraming mga partners at members ang hindi makapaghintay kasi karamihan sa kanila ay inutang pa ang kanilang pinang invest,”
“Ipinapasulat na ang lahat ng mga pangalan at capital para sa refund ang mga nakalistang pangalan ay nasa 2,300 at sa total ng capital ng bawat isa ay umabot halos six hundred million,”
“Pinatotoo naman ni Kono na nagkaroon ng advisory ang SEC na consisting ang Farm to Market at nakapag visit na ang SEC ng apat na beses sa farms, sa piggery farms sa Quezon Province para mapatunayan na legit itong Farm to Market,”
Inaasahan namin mga partners na this coming week ay may isasagawa ng refund at kung may makatanggap na ay malaking bagay ito at hindi na itutuloy ang kaso pero kapag wala pa rin nangyari matapos ng isang Linggo ay itutuloy na namin ang kaso,”
“Kaya kinukuha namin ang atensyon ni Kono ay para harapin kami para sabihin sa amin kung ano ba ang status ng pera ng mga tao,”
Ang ibang partners ay dumulog na sa NBI para iparating ang kanilang mga reklamo kaugnay sa kanilang payout sa Farm to Market.
Naglabas na rin ng sama ng loob ang ibang partners, mahaba na ang panahon ng hindi pagbigay ng refund hindi nila alam kung may inaasahan pa sila maibalik ang kanilang mga pinuhunan. ### Mario Oclaman //FNS