Smoke-Free Task Force Advocates destroyed P6-M worth of vapes and cigarettes in Baguio City
BAGUIO CITY – Sa isinagawang ceremonial destruction and disposal of cigarettes and vapes na ginanap sa Malcolm Square noong Agosto 8, 2024 ay dinaluhan ito ng mga advocates para saksihan at makisama sa pagsira ng mga bisyong nakakasira sa kalusugan ng tao.
Sa pakikipag koordinasyon ng Baguio City Health Office, Smoke-Free Task Force Advocates sa City Government of Baguio na pinanguluhan ni Mayor Benjamin B. Magalong ay naging matagumpay ang kampanya nito sa patuloy na pagbabawal ng paninigarilyo at pag gamit ng vapes sa lunsod ng Baguio.
Pinangunahan ni CHSO Head Dr. Celia Flor Brillantes ang isang mensahe na ang lungsod ay patuloy na kumikilos upang maalis ang paninigarilyo, ang pagmamalasakit natin sa komunidad ay para maging malaya sa anumang karamdaman at sakit na ang pinaka mahalaga sa atin ay ang makalanghap tayo ng sariwang hangin dito sa lungsod ng Baguio.
Ayon naman kay Committee on Health and Sanitation chairperson Councilor Betty Lourdes Tabanda ang isang mensahe na ipinatungkol nito ang kahalagahan ng ganitong ceremonial dahil dito nakasalalay ang sipi ng ‘Breath Baguio” na kailangan natin makalanghap ng sariwang hangin, ipinaliwanag rin kung anong matinding epekto ang masamang dulot nitong vapes at sigarilyo sa kalusugan ng tao lalo na ang magiging biktima nito ay yaong mga hindi naninigarilyo at ang magiging effect rin sa environment, nagpasalamat rin sa ginawa ng city council na anti-smoking Baguio City Ordinance No. 34, Series of 2017.
Nagpahayag rin ng mga pangako at suporta ang iba’t-ibang institusyon na mula sa University of Cordilleras, University of Baguio, Saint Louis University FPHHR, Pines City Colleges, Transcend, Philippine Academy of Family Physicians, Philippine College of Chest Physicians, Philippine College of Occupational Medicine, Philippine Medical Association Baguio-Benguet, Parents Against Vape, Parents and Teacher Association, at maging ang Youth advocates na si SK Federation President Councilor John Rey Mananeng.
Sa panayam kay SK Federation Councilor John Rey Mananeng“This is just part of our health advocacy na bawasan ang paninigarilyo dito sa Baguio and for us also to protect not only the smokers but also they love ones, they children and the community,”
“Lahat ito ay nakumpiska since last year and this is a yearly program, the culmination of destruction ng ating mga nakumpiska so, overall yun mga sisirain natin is more than six milyon pesos (P6-M) yun worth ng cigarttes, vapes and cigarette related products ito ay hindi necessary na sigarilyo ito ay yun mga candy na naka-package na parang sigarilyo because it promotes sa mga bata na manigarilyo, at yun mga products na juices flavored ng vapes that is considered cigarette related product,”
“The destruction was facilitated by POSD’s una ay sisirain ang mga cigarette packs slicing into two at tatapak tapakan natin hanggang sa hindi na pwedeng gamitin at ang mga vapes naman ay ibubuhos natin lahat sa drum na may tubig,” pagtatapos ni Mananeng
Ipinapakita ni Public Order and Safety Division chief Daryll Longid ang mga mamahalin presyo ng vapes na kanilang mga nakumpiska sa ilang establishments na ang bawat isa nito ay nagkakahalaga ng P7K.
Matapos ang pagsira ay hinayaan na muna mabasa ng malakas ng buhos ng ulan bago ito hinakot. ### Photo by: Mario Oclaman //FNS