2 SUSPEK ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA DROGA SA SEMENTERYO NG BAGUIO CITY.              

2 SUSPEK ARESTADO SA PAGBEBENTA NG ILEGAL NA DROGA SA SEMENTERYO NG BAGUIO CITY.              

LUNGSOD NG BAGUIO – (August 5, 2024) Umuulan, pasado alas-siyete ng gabi ng dumating ang isang sasakyan sa entrada ng  sementeryo sa lungsod.

Eto na pala ang gamit ng mga suspek na ka transaksyon ng mga Philippine Drug Enforcement Agency agents ng Baguio City (PDEA).

Nang magka-abutan na ay dito na hinuli ang dalawa at nagtangka pang tumakbo ang isa ngunit dahil sa malakas ang ulan kaya hindi rin ito nakalayo ng takbo.

Ang subject sa transaksyon ay ang di umano’y Kalahating Kilo ng Marijuana na ibinenta sa halagang P20,000 .00 sa paghahagilap ng otoridad ay may nakuha pang isang bungkos ng kaparehas na marijuana sa loob ng sasakyan, kinumpiska rin ang ginamit na sasakyan sa pagdedeliver ng illegal ng droga.

Kinilala ang dalawang High Value Target na sina Mark Joseph Balancio na siyang nagbenta ng illegal na droga at ang kasama nitong driver na si Hans Christian Caburian na parehas na tubong Baguio City at mga walang trabaho.

Ayon sa otoridad, mga barkada ng mga suspek ang binebentahan nila ng mga illegal na droga at kadalasan ay sa Social Media nagaganap ang transaksyon.

May positibong Test Buy na rin di umano sa suspek na si Balancio kaya nagawa ang mas malaking transaksyon na isang linggo na nilang tinatrabaho.

Nahaharap sa patung-patong na kaso ang mga suspek sa paglabag sa RA 9165. (Mga litrato kuha ni Darius Bajo)

admin