Enhancing the Park Through Volunteerism
BAGUIO CITY – Sinimulan ng alas-siyete ng umaga ang paglilinis at pagtatanim ng mga halaman ng ilang RAB volunteer kasama ang partner na kapulisan ng Police Station 3 sa Park Drive Garden, Pacdal,Circle noong June 17, 2024.
Pinangunahan ni RAB Chair Rosalie Maria Rachel C. Castañeto ang aktibidad ng clean-up drive at Kutsarita planting na ito ay naglalayon na patuloy mamintina at pagandahin ang park na kung saan ay isa sa programa ni Mayor Benjamin B. Magalong ang mga pag adopt ng park sa lungsod sa mga may kakayahan na mag develop at pagpapahusay ng pagkamalikhain sa ating kapaligiran at mga parke.
Kasama rin si RAB Vice-Chair Oscar Carbonell na matapos ang pagtatanim ay ipinakita sa mga volunteer ang slides na presentation ng RAB na kung saan ay isa sa apat na napili para sa pagpapakilala ng mga organisasyon kaugnay sa mga nai-ambag na mga aktibidad para sa kagalingan at progresibong kinabukasan ng lungsod.
Sa pakikipag coordinate kay PMaj. Bernabe A. Chamo Jr. – COP (PS-3) ay ipinadala ang ilang Police Officer para makasama sa pagtatanim at paglilinis.
Sinabi ni RAB Chair Castañeto, “Inuunti-unti natin ang paglilinis at pagtatanim habang hinihintay pa ang design ng Architect na mula sa CEPMO para maayos na ang Gazebo at ang pag-install ng sahig sa paligid ng Pagoda.
“Inaasahan na magkakaroon uli tayo ng paglilinis at pagtatanim sa susunod na buwan ng Hulyo,”
“Tinatawagan namin ng pansin ang mga ka-partner natin na sana ay magkaroon tayo ng kahit kalahating araw lang na magkaisa tayo gawin ang maaari natin I contribute sa paglilinis at pagtatanim,”
“Gagawa kami ng invitation at ipapadala namin sa inyong mga tanggapan.
Muli ay pinasasalamatan namin kayo mga ka-partner, malaking tulong ang nai-aambag natin sa siyudad ng Baguio para sa pagpapanatiling maayos na samahan, malinis na kapaligiran at maunlad na mga parke sa ating lungsod.
“Ipinagmamalaki namin kayo makasama sa susunod na paglilinis at pagtatanim sa susunod na buwan ng Hulyo,” pagtatapos ni Castañeto
Salvador M. Royeca – GM of Baguio Water District
Villafe P. Alibuyog – RD of Philippine Statistics Authority (PSA-CAR)
Nancy M. Umoso – Branch Head III, Social Security System
Nemesio O. Huag – PB Gibraltar Barangay
Julius L. Ampal – PB Lualhati Barangay
Edgar Enriquez – PB M.Roxas Barangay
PMAJ. Harriet Bulcio – BCPO- PIO
PMAJ. Bernabe A. Chamo Jr. – COP (PS-3)
Remedios P. Quiño –Principal of Rizal ES
Marcial L. Lami-ing – Principal of Rizal HS
Samuel Paraiso – Batch Coordinator, St. Louis Boy’s High School
Margarett S. Espiritu – Batch Coordinator, St. Louis Girls’ High School Batch “83
Ferly Rose S. Garcia – President, Baguio Magnolia Lions Club
Simon Thomas – Chairperson, Baguio Maharlika Multipurpose Cooperative (BAMACO)
Richard Bravo – President, Baguio Events Workers Association
Marie Kris A. Banta – Architect, Oro Architects Co.
Arnel S. Corpuz – Owner/Proprietor, Zambali Grill. Mga larawang kuha ni Mario Oclaman //FNS