IMEE tinutulan ang 15 percent rice tariff, at itinutulak na mapalawig pa ang pagpapatupad ng “Rice Fund”sa Bukidnon
Binisita ni Sen. Imee Marcos noong Lunes, Hunyo 10, ang mga magsasakang iskolar ng pamahalaan sa isang farm school sa Valencia City, Bukidnon sa ilalim ng Rice Extension Service Program ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) o ‘Rice Fund’.
Tutol ang grupo sa pagbababa ng taripa sa imported na bigas sa 15 percent dahil tiyak anilang maaapektuhan ang programa.
Bukod sa programang ito, pinopondohan din ng ‘Rice Fund’ mula sa taripa sa bigas ang iba pang proyekto gaya ng farm machinery at equipment; rice seed development, propagation at promotion; rice credit assistance; at iba pang rice extension services ng Philipping Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech), Philippine Rice Research Institute (PhilRice), Agricultural Training Institute (ATI), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Malaki ang naitutulong ng ‘Rice Fund’ sa mga magsasaka kaya mariing tinututulan ni Sen. Marcos ang 15 percent rice tariff. Itinutulak din ng senador na mapalawig pa ang pagpapatupad ng ‘Rice Fund’, na mapapaso na sa 2025, hanggang 2031. (PR)