SM CITY CAUAYAN, NAKIKIISA SA IKA-126th NAT’L FLAG DAY

SM CITY CAUAYAN, NAKIKIISA SA IKA-126th NAT’L FLAG DAY

CAUAYAN CITY, Isabela– Bilang pakikiisa sa paggunita ng ika-126th National Flag Day, nagtipon-tipon ang mga empleyado ng SM City Cauayan upang sabay-sabay na bigyang pugay ang watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagsaludo rito habang kinakanta ang Lupang Hinirang na pambansang awit ng Pilipinas. Ginanap ito sa Rivera Driveway noong Mayo 30.  

Ayon kay Krystal Gayle Agbulig, public relations manager ng nasabing mall, isinagawa ang aktibidad upang ipaalala ang kahalagahan ng pagiging makabayan na dapat na taglay ng isang Pilipino.

Maliban sa mga empleyado, nakiisa rin sa aktibidad ang mga partner agencies, affiliates, tenants, at business partners.

“Isang paraan din po ito upang ipakita sa komunidad na pinapahalagahan ng mall ang mga pambansang okasyon tulad ng National Flag Day na ating ginugunita sa kasalukuyan hanggang sa Araw ng Kalayaan,” ani Agbulig.

Kanya ring sinabi na maliban sa mga watawat na nakasabit sa mga estratehiyang lugar sa mall ay naghanda rin ang tagapamahala ng mga programang naglalayong tulungan sa promotion ang mga lokal na produktong gawang Pilipino tulad ng Super Pinoy Food Trip at Super Pinoy Market ng mga MSMEs samantalang ibibida rin ang mga Pinoy talent sa Super Pinoy Music na gaganapin sa mga susunod na araw.

Samantala, ipinagdiriwang ng mall ang kanyang ika-10 anibersaryo ngayong 2024. Matatandaan na nagbukas ito sa publiko noong Mayo 30, 2014 na dinaluhan ni Mr. Hans Sy, ang Chairman ng Executive Committee ng SM Prime at pang-apat na anak ni Henry Sy, Sr. na siyang may-ari at nagtatag ng Shoe Mart o mas kilalang SM.# Mae Barangan / FNS

Mae Barangan