Mga kalahok sa Panagbenga ng Drum & Lyre at Festival Dance competition pinarangalan

Mga kalahok sa Panagbenga ng Drum & Lyre at Festival Dance competition pinarangalan

KATUTUBONG SAYAW.  Ang mga kalahok ay nagpamalas ng kani-kanilang galing, sigla at paghiyaw ng katagang “PANAGBENGA”  tila walang kapaguran sa pagsayaw ginanap noong ika-24 ng Pebrero sa Session Road hanggang sa Melvin Jones, Football Ground.  Kuha ni: Jennifer Cuyajon //FNS

BAGUIO CITY – (February 24, 2024) Umani ng masiglang palakpakan ang mga tagapanood matapos maideklara ang mga nagwagi sa Panagbenga Grand Street Dance competition noong matapos ang pagtatanghal sa parada sa Session Road pababa ng Harrison Road at Melvin Jones, Football  Ground, Burnham Park.

Naunang pinasalamatan ni Mayor Benjamin B. Magalong ang lahat ng sumaksi at nanood ng Ika-28th Panagbenga Festival Grand Street Dance Parade ganun rin sa mga naki partisipasyon sa parada na mula sa City Government ng Baguio (City Officials, Department Heads at guests) sa pangunguna ng pag martsa ng PMA Cadets at PMA Band, Saint Louis University Marching Band, sa mga Baguio Cities Foreign Delegation na mula sa Gong-Ju, Republic of Korea, Yeonsu-Gu, Republic of Korea, Taebaek, Republic of Korea at Honolulu, Hawaii at sa mga Board of Trustees, Officers and Executive Committee ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc. at ganun rin sa mga nakilahok na mga eskwelahan para sa Drum and Lyre Dance competition at ganun rin sa mga kalahok na mula pa sa karatig probinsiya ng Benguet, Nueva Ecija, Pangasinan, Ilocos Sur at Kalinga.

Ang Panagbenga Festival ngayong taon ay may temang “Celebrating Traditions, Embracing Innovations”.

Ang mga kalahok para sa Dance Festival Category ay nauna rito ang Entry No. 1. Baguio City National High School – Special Program For the Arts , Entry No. 2. Bitulok Tribe Street Dancers ng Gabaldon, Nueva Ecija, Entry No. 3 Bani Pakwan Festival ng Bani, Pangasinan, Entry No. 4. Tribu Palayano ng Palayan City, Nueva Ecija, Entry No. 5, Tribu San Carlos, Kinayasan Street Dancers ng San Carlos City, Nueva Ecija, Entry No. 6. Narvacan Naisangsangayan ng Narvacan, Ilocos Sur at ang Entry No. 7. Tribu Rizal mula sa Tribu, Kalinga.

Ang lahat ng kalahok ay nagpamalas ng kani-kanilang galing, sigla sa pag indak ng mga katutubong sayaw na tila walang kapaguran na may kasamang pag-galang at pagpapasalamat sa pagtatapos ng kanilang pagsayaw.

Ayon sa mga hukom ay naging pinale na ang scoring nito ngayon na batay sa naunang score ng mga kalahok noong opening parade February 3, 2024 ay maidadagdag na rito at ito na ngayon ang total final score ng mga kalahok.

Para sa Drum and Lyre Dance competition ay itinawag ang nasa third place na tumanggap ng P70,000 cash prize ay ang Entry No. 4. Manuel Roxas Elementary School, pumangalawa naman sa puwesto ang Entry No. 5, Tuba Central School na may gantimpalang 100,000 at ang tinanghal na champion na ginawaran ng P150,000 ay ang Entry No. 3, Lucban Elementary School.

Para sa Festival Dance competition naman ay nakamit ng Baguio City National High School – Special Program for the Arts ang ikatlong puwesto na may P100,000 cash prize, pumangalawa sa puwesto ay ang Narvacan Naisangsangayan Group na may P150,000 cash prize at ang  tinanghal na champion ay Tribu, Rizal na mula sa Rizal Kalinga na kung saan ay tumanggap ng P200,000 cash prize.

Lubos ang pasasalamat ni Former Congressman at Mayor Mauricio G. Domogan sa lahat ng bumubuo ng Baguio Flower Festival Foundation, Inc . na naging matagumpay ang takbo nito sa loob ng 28 na taon, ito ay dahil anya sa suporta ng bawat isa, ng mga mamamayan ng Baguio, City Government at ang lahat ng stakeholders, inaasahan na makamit pa lalo ang mga tagumpay sa mga darating pa na taon.

Tunghayan pa ang mga susunod na activivites sa February 26 to March 3, 2024 ang Session Road in Bloom, Panagbenga Flower Tee Golf Classic sa Baguio Country Club sa March 1 and 2, 2024, Awarding and closing ceremonies sa Melvin Jones, Football Grounds, Burnham Park at ang pinakahihintay natin na Celestial Blossoms Grand Aerial Fireworks Display (Citywide) on March 3, 2024.

Ang Baguio Flower Festival (Panagbenga 2024) ay may temang “Celebrating Traditions, Embracing Innovations”.  ### Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman