“Ani ng Sining, Bayang Malikhain” sa Marinduque magpipinid ng Buwan ng mga Sining ngayong Pebrero 26-29

“Ani ng Sining, Bayang Malikhain” sa Marinduque magpipinid ng Buwan ng mga Sining ngayong Pebrero 26-29

Boac, Marinduque – Markahan ang mga kalendaryo para sa siksik, liglig at umaapaw na linggo ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Sining may tema ngayong taon, “Ani ng Sining, Bayang Malikhain” sa Marinduque State College. Hatid ng MSC Culture and Arts Office, Office of Media and International Affairs sampu ng mga iba-ibang kolehiyo ang 2024 Buwan ng mga Sining sa darating na Pebrero 26-29 sa MSC gymnasium.

Ang unang araw, Pebrero 36 nakalaan sa “Ani ng Sining Biswal” art eksibit na bubuksan sa MSC Library at Learning Resource Center habana magkakaroon ng pelican sa pagpipinta sa MSC gym. Ang sumunod na araw, Pebrero 27 tampok naman ang “Ani ng Tanghal Pandulaan” simula ng 8:00 sa umaga, magpapalabas ng mga pagtatanghal at pelikula kasama  ang Communication Society, MSC Theater Guild, Siklab Society at College of Engineering Theater muli sa MSC gym,

Pagpapatuloy sa ikatlong araw, Pebrero 28 mula 8:00 ng umaga, may baylehan sa “Ani ng Sayawan” dance performance kasama ang pintig dance company, MSC folk dance troupe, College of Information and Computing Sciences Street Dance troupe at ang College of Industrial Technology Street dance troupe. Ang finale, idaraos sa Pebrero 29, “Ani ng Musika at Awitan” mula 4:00 ng hapon. Mapapakinggan ang mga musical performance kasama ang College Arts and Culture Unit, mga Banda sa kolehiyo ang maghahandog ng bilang sa MSC gym.

Ang MSC ay nagkaroon ng pagbubukas noong Pebrero 12 sa pamamagitan ng pagpipinta ng komunidad sa MSC quadrangle. Samantala, noong Pebrero 14-16 ay nagbukas sa publiko ang “Eat, Shop, Love” na MSC bazaar at sa huling araw nito, “That’s Amore” naman ang nagharana sa mga manonood. Nagsimula naman ang ika-5 MSC Film Festival “Sine Gunita” noong Pebrero 13. ### (PR)

PRESS RELEASE