Mahigit 2,000 residente ng Rizal, nakatanggap ng tulong mula kina Senador Alan at Pia

Mahigit 2,000 residente ng Rizal, nakatanggap ng tulong mula kina Senador Alan at Pia

Naging mas mahaba ang selebrasyon ng Valentine’s Day nang nakatanggap ng mahalagang tulong ang 2,364 katao mula sa iba’t-ibang sektor sa Rizal mula sa opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), nagbigay ng tulong ang mga opisina ng magkapatid na senador sa Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) noong February 14, 15, at 16 sa mga solo parent at sektor ng kababaihan upang mapalago ang kanilang kabuhayan.

Sinabi ni Olivia Papagayo isa sa mga benepisyaryo sa Angono, na ang tulong na natanggap niya sa Araw ng mga Puso ay nakatulong hindi lamang sa kanyang pamilya kundi pati na rin sa kanyang komunidad.

“Salamat po kay Senator Pia at Senator Alan Cayetano… Ito po ay aking gagamitin sa pang-araw-araw din po naming pangangailangan, pati na rin po sa pag-aaral ng aking anak,” wika niya.

“Si Senator Pia ay parati kong nakikita na parating tumutulong sa mga kababaihan at mga mahihirap. Kay Senator Alan naman po, nagpapasalamat po ako sa tulong na ibinigay niya dito sa Angono,” dagdag pa niya.

Naging matagumpay ang programa dahil sa tulong at pagsisikap nina Mayor Jeri Mae Calderon, Vice Mayor Gerry Calderon, at Head of Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) na si Ms. Luisita Vestra.

“Senator Alan, Senator Pia, maraming-maraming salamat po sa bibiyang ipinagkaloob niyo sa sa aming mga senior,” sabi ni Erlinda Bendaña, isa sa 1,000 na mga benepisyaryo na tumanggap ng tulong noong February 15.

“Bilang isang ina, mahirap po sa mahirap. Doon po sa matatanggap ko [livelihood assistance], magagamit po sa aming pangangailangan at pangkabuhayan,” dagdag niya.

Naging matagumpay ang pagbibigay ng tulong sa Tanay at Taytay dahil sa pagsisikap nina Tanay Mayor Rafael Tanjuatco, Tanay Vice Mayor Rex Manuel Tanjuatco, at Brecia Joy G. Monie mula MSWDO.

Mahalaga rin ang papel na ginampanan nina Mayor Allan Martine De Leon ng Taytay kasama ang Barangay Captain Reinier Pacleb, at mga Barangay Kagawad na sina Michael Catapusan, Mitch Policarpio, Ysh Cruz, at Ronnie Taronek upang matiyak na magiging matagumpay ang programa.

Nagpasalamat si Mayor Tanjuatco sa mga Cayetano sa kanilang suporta. “Hindi kayo tumitigil nang pagtulong sa aming bayan, lalo’t sa panahon ng pangangailangan…kailangan-kailangan po ito pang-suporta sa kanilang pangangailangan,” aniya.

Nagbigay rin ng tulong ang mga opisina ng magkapatid na senador sa Cainta, Rizal noong February 16 kung saan 500 benepisyaryo na may MSMEs ang nakatanggap ng tulong upang mapalago ang kanilang kita at kabuhayan.

Nagpakita ng suporta at pagsisikap sina Mayor Maria Elenita Nieto at Leonor De Guzman mula sa MSWDO upang maging matagumpay ang pagbibigay ng tulong.

Layunin ng AICS na tulungan ang mga indibidwal sa krisis o mahihirap na sitwasyon sa pamamagitan ng pinansyal na suporta upang matulungan ang mga benepisyaryo sa kanilang sitwasyon.

Bilang bahagi ng kanilang pangako, patuloy na nagbibigay ng tulong pangkabuhayan ang mga opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa mga Pilipinong nasa mahirap na sitwasyon, sa layuning palakasin ang kanilang kita at kabuhayan.### (PR)

PRESS RELEASE