IMEE: UN SPECIAL RAPPORTEUR IRENE KHAN, BANYAGANG MAPAGBANTANG PAKIALAMERA

IMEE: UN SPECIAL RAPPORTEUR IRENE KHAN, BANYAGANG MAPAGBANTANG PAKIALAMERA

TINAWAG na pakialamera ni Senador Imee Marcos si UN Special Rapporteur Irene Khan sa nagmamagaling nitong panawagan na  buwagin na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

 “Sampung araw lang sa Pilipinas si Khan at iilan lang ang nakausap na pinaborang mga witness, tapos may alam na sya at karapatan na pagsabihan ang gobyerno sa mga dapat gawin? Ni hindi nga niya napuntahan ang mga barangay kung saan nag-ooperate ang NTF at ang sabi sa akin ay ngayon lang yan nakaapak ng Pilipinas”, ani Marcos.

Hindi lang pakilamera at mababaw ang pag-unawa ng mga banyagang ito sa isyu; nagbanta pa siya na ang “ambisyosong” plano ng Pilipinas na mamuno sa UN Commission on the Status of Women at makakuha ng puwesto sa UN Security Council ay nakasalalay sa pagsunod sa kanyang “mga natuklasan

Gayunpaman, sinabi pa ni Marcos na ang panawagan ni Khan ay “hindi nakakasurpresa, dahil sa matagal niyang pagkiling sa Amnesty International.

Naniniwala  din ang senador na kontra-produktibo at mas mapanganib kapag binuwag ang NTF-ELCAC.

 “Libo-libong rebelde ang mapayapang nagbalik-loob sa gobyerno. Halos tagumpay nang nagwagi ang gobyerno sa communist insurgency, na may 1,800 na lang na rebeldeng natitira, ayon sa ating military at mga pulis,” paliwanag ng senador.

Mahalagang panatilihin natin ang presensya ng NTF-ELCAC at palakasin ang mandatoย  nito na ipagpatuloy ang mapayapang pagbabalik-loob sa gobyerno at makataong rehabilitasyon ng mga rebel returnees,” giit ni Marcos. (PR)

PRESS RELEASE