FERDINAND GALLEMA MOLDERO, HERO AWARDEE OF THE YEAR 2023

FERDINAND GALLEMA MOLDERO, HERO AWARDEE OF THE YEAR 2023

GAWAD PILIPINO HERO AWARDEE OF THE YEAR 2023. (Top Photo) Eagle Ferdinand Gallema Moldero – Regional Vice Governor of Cordillera Eagles Region 1 as Hero awardee of Gawad Pilipino. (Below Photo) Cordillera Awardees Antonio A. Paulite, Armela B. Javier and Edward P. Baling-oayPhoto by: Mario Oclaman //FNS

BAGUIO CITY – Eagle Ferdinand Gallema Moldero is the incumbent Regional Vice Governor of Cordillera Eagles Region 1, and now he is the incoming Regional Governor for Eagle year 2024.

Dahil sa taglay nitong kakayahan na pangunahan ang kanyang mga miyembro ay hindi lamang sa mga salita nito pinatunayan ang abilidad ng pamumuno kundi ipinakita niya rin ito sa gawa sa pamamagitan ng kanyang matapat na pag-ganap sa kanyang tungkulin ay naging matagumpay ang bawat aktibidad na kanyang masusing pinag-aaralan at dahil rin sa kanyang pag respeto nito sa kanyang mga kasamahan ay nagkakaisa ang kanilang layunin para sa tagumpay ng kanilang mga proyekto at programa.

Dahil dito ay nakikita ng pinagkakatiwalaang mga nagbibigay ng mga parangal sa mga civic- organization, samahan na nagpapakita ng pagtulong sa komunidad, sa kapwa at maging sa mga kababayan natin na mga biktima ng kalamidad, nababatid ng Gawad Pilipino Award kung paano maipagmamalaki ang mga ganitong gawain kung kaya tinitiyak nila na ang proseso ng pagpili ay akma sa mga nagpapakita ng kagalingan at inuuna ang serbisyo sa mga nangangailangan na ito ay tunay na pagsagip sa buhay ng tao at para sa pag-aambag na rin sa pangkalahatang pag-unlad ng Pilipinas.

Isang karangalan na nakatanggap ng parangal sI Eagle Ferdinand G. Moldero ng GAWAD PILIPINO HERO AWARDS 2023

Bilang BAYANING PILIPINO sa kanyang kontribusyon na inihandog sa kanya ang SPECIAL TASK FORCE Award sa pagresponde ng CER1 sa Bulkang Mayon at Bagyong Egay.

Nakatanggap rin ng parangal ang CORDILLERA EAGLES REGION bilang Philippines Most Outsatanding Socio-Civic and Inspiring Humanitarian Organization of the Year noong November 28, 2023 na ginanap sa WaterFront, Cebu City.

A true change maker and a beacon of hope for the victims of the Mt. Mayon eruption. Their dedication and compassion have left an indelible mark on the lives of countless people, making them an outstanding socio-civic leader.

Sa isang panayam kay EAGLE  FERDINAND GALLEMA. MOLDERO, “Recently I am the incumbent Regional Vice Governor of Cordillera Eagles Region 1, an organization duly affiliated with Fraternal Order of Eagles-Philippines Eagles Inc. (TFOE-PE Inc.) Also, I am the incoming Regional Governor for Eagle year 2024.

“Nakakatuwa na ma-recognized and iba’t-ibang organization ang aming pagtulong sa kapwa at sa mga outreach program, medical mission na aming ginagawa ay naging mission na namin ito sa ating mga kababayan kaya sa taong ito mayroon kami natanggap na four prestigious awards from various award giving bodies ang una ay Gawad Pilipino Hero Award because of our endless endeavors in helping our fellowmen who are deprived of the luxury in life and the less fortunate members of our society,”

“Sana ang mga award na natatanggap ng ating rehiyon ng Cordillera Eagles Region 1 ay maging inspirasyon at sana’y pamarisan ng nakakaraming miyembro gayun na rin ang publiko, umabot na sa 600 members at ang aming region ay binubuo ng sampung aktibong Eagles Club,” ani Moldero ### Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman