Anthoniuz Aquino Paulite received various awards and was named Artist of the Year 2023
8th ASIA PACIFIC LUMINARE AWARDEES. Top Photo: Dr. Anthoniuz A. Paulite together with (Below photo) awardees are Ferdinand G. Moldero, Armela Binondo Javier, and Edward P. Baling-Oay. Photo by: Mario Oclaman //FNS
BAGUIO CITY – DR. ANTHONIUZ AQUINO PAULITE – a Businessman, owner of Anthoniuz Floral Designs, The Philippines Floral Guro, Artist of the Year 2023 and International Floral Artist and Philippines’ Most Outstanding Floral Artist Event Stylist and Entrepreneur.
He is nominated by Gintong Parangal 2023 and sponsored by: Friends of Hongkong on November 15, 2023, in Grand Ballroom, Okada, Manila.
Hindi inaasahan at labis ang pasasalamat ni Antonio ng makakatanggap siya ng iba’t-ibang parangal mula sa 8th Asia Pacific Luminare Awards na ginanap sa Grand Ballroom, Okada, Manila noong November 15, 2023.
Hindi matutumbasan ng anumang yaman ang mga kanyang natanggap na award dahil ito ay isang karangalan na hindi makukuha kahit sinoman.
In an interview with Mr. Paulite – “Bilang isang negosyante at may-ari ng Anthoniuz Floral Designs na may kaalaman sa Floral design dito sa Baguio City ay nabigyan ako ng pagkakataon makatanggap ng parangal ng Ginto ng Parangal na ito ay ginto na nagsasagisag ng karangalan at kayamanan ng kaalaman,”
“Ako ay na nominee at nagkaroon ng sponsor na ang award giving body nito ay Kawangis ng Hagipit isang karangalan na i-award ito sa Okada, Manila noong nakaraang November 15, 2023,”
“Ano man ang kaalaman o kagalingan natin, anuman karunungan na ibinigay sa atin ng Poong Maykapal ay kailangan natin aralin o gamitin sa magandang paraan, ito ay magagamit natin sa kabuhayan, katanyagan at sa sarili natin inspirasyon at maging inspirasyon tayo ng kapwa at maging matatag sa anumang hamon ng buhay,”
“Hindi ko mapigilan ang sarili ng mapaluha ako sa galak dahil nadama ko sa sarili ang pagpapahalaga sa mga nabibigyan ng award na iba’t ibang mga matataas na tao, artista at mga kilalang tao sa lipunan ang mga nakasama ko sa pagtanggap ng mga award,”
“Ilan rin kami mga nominees na taga Cordillera ang nakatanggap ng awards,” pagtatapos ni Paulite. ### Mario Oclaman // FNS