SALIVA COLLECTION STEPS

SALIVA COLLECTION STEPS

Mga kaparaanan bago isagawa ang pagkuha ng Saliva, nagbibigay ng instruksiyon ang mid tech representative sa isang pasyente matapos ito nagpa rehistro ay itinuro ang mga dapat gawin, Huwag kumain, uminom, magmumog o manigarilyo sa loob ng 30 minuto bago magbigay ng saliva o laway, kailangan mag sanitize ng mga kamay gamit ang alcohol, simulan ng mag-ipon ng laway sa bibig, kunin ang specimen container na may barcode at buksan, gamit ang funnel, patuluin o padaluyin ang laway sa container, siguraduhing nasa 1-2 ml ang makolektang laway, takpan nang maigi at punasan ang container gamit ang tisyu at alcohol, itapon ang pinaggamitan sa nakalaang basurahan, ilagay ang specimen container sa rack at mag-disinfect ng kamay bago umalis.

Ang Philippine Red Cross RT-PCR Saliva Testing ay kauna-unahang isinagawa dito sa Lunsod ng Baguio at gaganapin tuwing araw ng Martes simula 8 ng umaga hanggang 3pm  

Ang mga samples saliva ay ipapadala sa Isabela Molecular Laboratory ng Red Cross na awtorisado ng Department of Health ang resulta ay malalaman sa loob ng 24 oras.

Sa halagang P2,000 lamang at mabilis na accurate pa, walang sakit at maginhawa sa pakiramdam. Photo by: Mario Oclaman

Mario Oclaman