Statement of Senator Hontiveros on ERC’s order to refund excess charges to Meralco consumers

I welcome the Energy Regulatory Commission’s (ERC) order to Manila Electric Company (Meralco) to refund more than P13.88 billion to its consumers. Indeed, when we go the extra mile for our consumers, ang Pilipino ang panalo.

Simula pa lang ng pandemya ay nananawagan na ako sa ating power industry sector na tulungan ang ating mga konsyumer sa iba’t-ibang paraan, tulad ng extension ng no disconnection policy at reasonable installment payment scheme.

That’s why I also laud Meralco for taking the initiative para maisakatuparan ang binabanggit nilang refund na inayunan naman ng ERC. Tulad nga ng kasabihan natin mga Pilipino, “kung gusto, maraming paraan. Pero kung ayaw, maraming dahilan.” Patunay lamang ito na posible at pwede naman palang mapabilis pa ang pagpapababa sa presyo ng kuryente sa ating bansa.

Sa gayon, nananawagan akong silipin ang transmission charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) lalo na’t kumita na ito nang higit pa sa ibinayad na concession fees, kasama ang pay out na ibinigay sa mga shareholder nito.

Pabilisin na rin sana ng ERC ang pagreview sa controversial 15% Weighted Average Cost of Capital (WACC) of NGCP na halos doble sa global standard. Reduction of our transmission charge is on a national scale. Hindi lang sana consumers ng Meralco na nasa Greater Manila Area ang makikinabang, kundi, dapat all.

I also look forward to both Meralco and ERC working together with consumer groups to overhaul anomalous surcharges in our electricity bill which lead to our having the second highest power rate in Asia. Sa panahon ngayon, kailangan natin ng maraming uri ng bakuna sa ating ekonomiya tungo sa ganap na pagbangon. ###

PRESS RELEASE