SENATOR IMEE MARCOS STATEMENT

SENATOR IMEE MARCOS STATEMENT

Tungkol sa pagkamatay nI dating Premier Li Keqiang ng People’s Republic of China

Hindi maaaring pabayaan na lamang mamatay ang pag-asang maisaayos ang ating relasyon sa Tsina, kasama ng siyang nagbitiw ng mga salitang ito sa aking kapatid, ang ating Pangulo, sa ASEAN-China Summit sa Cambodia noong nakaraang taon:

“Mas marami tayong pagkakatulad kaysa sa ating pagkakaiba.”

Mismong kasaysayan, kung hindi man ang mga salita ni Li, ang nararapat maging inspirasyon para sa Tsina at Pilipinas na magtulungan tungo sa mapayapa at patas na pag-aayos ng mga isyu sa West Philippine Sea. Maaring kakaunti na lamang sa mga Pilipino ang nakakaalala na ang diplomasya na itinatag ng aking ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kasama si Chairman Mao Zedong noong 1974, ay nagbunga ng kasunduan na nagpigil sa lokal na komunistang pag-aaklas at nag-umpisa ng isang mahalagang pagkakaibigan sa ating kapitbahay na Tsina. Lahat ng mga ideolohikal na pagkakaiba ay isinantabi para sa mas mahalagang layunin ng kapayapaan.

Bilang mga Asyano, gamit ang ating natatanging paraan ng pakikitungo na lubos na naunawaan ni Premier Li, dapat tayong magsumikap na lampasan ang ating mga pagkakaiba at sa halip ay magbahaginan ng isang kinabukasang maunlad at mapayapa.

Walang duda na si former Premier Li Keqiang ay isang tunay na kaibigan ng Pilipinas at siya ay ating mami-miss. ### (PR)

PRESS RELEASE