Kababaihan sa mga lungsod ng NCR, nakatanggap ng tulong mula kay Cayetano

Patuloy ang pag-abot ng tulong ni Senador Alan Peter Cayetano sa mga nangangailangan na Pilipino, na kamakailan ay nagsagawa ng mga programang nakatuon para sa kababaihan mula sa iba’t ibang lungsod sa National Capital Region (NCR).
Sa nagdaang pagbisita ng opisina ni Cayetano sa Caloocan, Malabon, at Quezon City, nagbahagi sila ng tulong para sa daan-daang kababaihan at sa kanilang mga pamilya upang palakasin ang kanilang kalagayan at kabuhayan.
Isinagawa nila ito sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Nakipagtulungan din ang opisina ng senador kina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, Batasan Hills Barangay Captain Jojo Abad, at 168 North Caloocan Barangay Captain Editha Labaslabas, upang lalong maabot ang mga kababaihan.
Kwento ni Evelyn Apostol ng Progressive Ladies League of the Philippines (PLLP), isang organisasyon na nagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga kababaihan, na karamihan sa kanilang mga miyembro ay mayroong iba’t-ibang negosyo upang suportahan ang kanilang mga pamilya.
“Marami po sa amin, lalo na ang mga ka nanayan, [na] ang kadalasang hanapbuhay ay pagtitinda, online selling, paggawa ng basahan, pagtitinda ng mga pagkain, at kung anu-ano pa,” aniya.
Nagpasalamat naman si Beverly Estrosas, isang beneficiary mula Caloocan City at miyembro ng PLLP, kay Cayetano para sa kanyang pagtulong sa komunidad.
“Maraming salamat po kay Senator Alan Peter Cayetano na iyong lugar po namin ay isa po sa mga nabigyan ng tulong,” wika niya.
Kinilala rin ni Estrosas si City of Taguig Mayor Lani Cayetano, na nagtatag ng Progressive Ladies of the Philippines League noong 2004.
“Nagpapasalamat din po ako kay Mayor Lani Cayetano na iyong naitayo niya pong Progressive Ladies League ay naibahagi po sa amin dito sa Barangay 178 sa North Caloocan,” dagdag pa niya. ###