IMEE led the payout of educational assistance to 1000 students in Baguio City

IMEE led the payout of educational assistance to 1000 students in Baguio City

Lungsod ng Baguio – (August 20, 2023) Pinangunahan ni Senadora Maria Imelda Josefa “Imee” Romualdez Marcos ang pamamahagi ng tulong pang-edukasyon sa 1000 na kapus-palad na mag-aaral sa kolehiyo mula sa iba’t-ibang paaralan dito sa lungsod ng Baguio noong Linggo, Agosto 20, 2023 na ginanap sa Baguio Convention and Cultural Center.

Ang tulong pang-edukasyon sa 1000 mag-aaral ay mabibigyan ng tig-sampung libo ang bawat mag-aaral at umabot sa kabuuan na sampung milyon ang naipagkaloob sa mga estudyante na tinasa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamumuno ni DSWD-CAR Regional Director Leo L. Quintilla at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) head Liza Bulayungan.

Ang senadora ay tinulungan nina Mayor Benjamin Magalong, Vice Mayor Faustino Olowan, Councilor Elmer Datuin at ni Congressman Mark Go.

Katuwang rin para sa kapayapaan at kaayusan ay ang BCPO sa pangunguna ni City Director PCol. Francisco B. Bulwayan Jr.

Sa mensahe ni Senadora Imee, “Any amount for tuition here in the North is always money well spent. You are our natural resource here in the North. Kayo ang pride and joy of the Cordillera and of Ilocandia. So, to invest in the students is the best business we can do, indeed,”

“Ang pangunahing tungkulin ng bawat pamilya ay ang mapag-aral natin ang ating mga anak, upang matupad ang kanilang mga pangarap na makatapos sa pag-aaral,”

“Ang sabi nila na ang kabataan ay ang kinabukasan, Ngunit sa palagay ko, ang kabataan ay ngayon, sila na ang liderato at mangunguna sa bawat sektor n gating lipunan,”dagdag ni senadora

Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Magalong sa senadora sa kanyang inisyatiba na personal pa nito inihatid anya ang tulong pang-edukasyon para sa mga estudyante ganun rin ang patuloy na pagtulong sa lungsod ng tamaan ng Super Typhoon “Egay” noong nakaraang buwan.

Nabigyan ng pagkakataon makapanayam ng media si senadora matapos ang programa.

Sinabi ni senadora , “I am overwhelmed by the response, “Ang daming humihingi ng tulong for this semester because as we all know it’s been a very tough three years from the pandemic to the economic slowdown, and now we are trying to pick up again but the prices are so high pati ang bigas napakamahal ngayon kaya ang cost of living talagang lumolobo,”

“Naghahanap pa rin kami ng para sa educational assistance, meron naman tayong iba’t ibang programa yun ‘cash for work” at yun “TUPAD” pero sa ngayon unti-unti natin nilalabas kasi nga ako personally bilang nanay alam ko yun anxiety bago yun pagbubukas ng klase, isa pa nagtataasan masyado yun presyo ng school supplies, yun ibang merchant ay sinasamantala nila itong panahon ng klase sa sobrang mahal ang presyo ng mga gamit ng mga estudyante kaya, nananawagan kami sa DTI na bantayan ang mga presyo dahil napansin namin ang biglaang pagtaas ng mga item ay pagsasamantala na yan sa mga mamimili,” pagtatapos ng Senadora. ### Photo by: Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman