Cayetano, nanawagan ng suporta para sa ‘Love the Philippines’ tourism campaign

Cayetano, nanawagan ng suporta para sa ‘Love the Philippines’ tourism campaign

Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang publiko na magpatuloy at magkapit-kamay sa pagtataguyod ng bansa sa gitna ng kontrobersiya na nakapalibot sa bagong tourism campaign na ‘Love the Philippines.’

Ito ay matapos putulin ng Department of Tourism (DOT) nitong Lunes ang kontrata nito sa isang advertising agency na napatunayang gumamit ng stock footage na kuha mula sa mga ibang bansa sa pagsusulong ng turismo sa Pilipinas.

“Issues have been brought out and discussed, and mistakes have been acknowledged both by the DOT and the advertising agency. Isn’t the purpose of criticism to correct? So mission accomplished!” sulat ni Cayetano sa isang post sa kanyang official Facebook page ngayong Miyerkules, July 5.

Pinuri ng senador ang masiglang demokrasya ng bansa na aniyay nagbigay-daan sa pagkakalantad ng isyu at naging dahilan upang tanggapin ng DOT at ng ad agency ang kanilang mga pagkakamali.

Gayunpaman, sinabi niya na kailangang magkaroon ng balanseng pananaw sa isyung ito kung saan maaaring may partisan at pampulitikang interes.

“Once a wrong is exposed (or explained) and mistakes are acknowledged and remedied, do we keep pounding on it, shooting ourselves in the foot in foreign media… or do we come together and, with the corrections, promote the beauty of our country and people?!” wika ni Cayetano..

Sinabi rin niya na sa pagtataguyod ng turismo sa Pilipinas, bahagi dapat ng atraksyon ang pangunahing asset ng bansa: ang mga Pilipino.

“GOD created such a beautiful country, such talented people! Yes, beautiful mountains, hills, valleys, islands, beaches, modern cities, etc., yet our number one asset is our people!” wika niya.

“The problem is not many people around the world know much about the Philippines! Yet many love the Filipinos! With more than 10 million Filipinos abroad, the first insight about the Philippines comes from the Filipino!” dagdag ng senador.

Nagbabala rin si Cayetano laban sa paglaganap ng fake news tulad ng kumakalat na maling balita sa social media platforms noong matagumpay na hosting ng bansa ng 30th Southeast Asian Games noong 2019, na pinamunuan niya bilang Chairman ng Philippine SEA Games Organizational Committee.

“Remember the allegation that kikiam (pork) was served to Muslims during the SEAGames? It turned out to be fake news! It was a chicken sausage! We found out there was a big PR firm launching the attack. It all turned out to be fake news, a political agenda packaged as constructive criticism,” paliwanag ng senador.

Aniya, napahamak ang Pilipinas dahil sa pekeng balita na ito na nagdulot pa ng takot sa maraming sponsor dahil sa mga negatibong balita sa mga bansa sa Southeast Asia.

Sa pagtatapos ng kanyang post, nagpahayag ng kumpiyansa si Cayetano sa paghawak ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isyu ng kampanya sa turismo.

“I know the DOT Secretary, she listens! She cares about people’s views and ideas! Let’s try communicating, not for her but for the country which we all claim to love,” sabi niya.

“Let’s go to the next phase! Support DOT, promote the Philippines!” dagdag niya. ### (PR)

PRESS RELEASE