Inilunsad ni PBBM ang eGov PH Super App, itinulak ang digitalization para mapalakas ang ekonomiya, at labanan ang katiwalian

Inilunsad ni PBBM ang eGov PH Super App, itinulak ang digitalization para mapalakas ang ekonomiya, at labanan ang katiwalian

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw, Hunyo 2, ang pagbubukas ng pagdiriwang ng National Information and Communication Technology  ICT Month, kasabay ng paglulunsad ng eGov PH Super App. Ang one-stop shop mobile application na ito ay para sa mas madaling pag-akses sa iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan.

Sa kaniyang talumpati, inihayag ng Pangulo ang layunin ng administrasyon na maghatid ng maaasahang electronic service, lalo na’t 95% ng mga aktibidad ng publiko, tulad ng shopping, banking, at pagbabayad sa mga transaksiyon, ay ginagawa online.

“Umaasa kami sa pagsisimula ng sistemang ito ng e-governance, na ang isang senior na naninirahan sa isang liblib na lugar, isang liblib na isla sa isang lugar na, sa oras na magkakaroon na tayo ng connectivity, ay maaari na lamang pumunta sa kanilang telepono at makipagtransaksyon,”

“Ang maganda ay ang mga lokal na pamahalaan ay nagkusa na at nagsimula nang i-digitalize ang kanilang mga sarili, sabi ng Pangulo.

“Ngayon, ang kailangan nating gawin ay pagsama-samahin ang lahat ng mga sistemang iyon sa lugar. Pahintulutan silang makipag-usap sa isa’t isa sa paraang kapaki-pakinabang para sa mga mamimili, para sa mga mamamayan sa mga tuntunin ng, muli, ang negosyo na kailangang isagawa kasama ng gobyerno,”

“At kaya, ito ay isang napakagandang hakbang at ito ay patuloy nating isusulong at kakailanganin natin, hindi lamang ang ating mga ahensya ng gobyerno kundi pati na rin ang pribadong sektor dahil may mga alalahanin din ang pribadong sektor hinggil dito, lalo na pagdating sa cybersecurity, ” sabi ni Marcos.

Pinuri rin ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology – DICT  para sa paglulunsad ng eGovPH Super App na kauna-unahang e-governance app sa bansa. Aniya, matutugunan nito ang pangangailangan ng mga mamamayan sa pagbiyahe, pagbayad, maging sa pagsagap ng napapanahong balita at anunsyo mula sa gobyerno.  ### PND /(File photos Presidential Communication Office)

PRESS RELEASE