Opisina ni Cayetano, nag-abot ng tulong sa Davao at General Santos

Opisina ni Cayetano, nag-abot ng tulong sa Davao at General Santos

Ipinagpapatuloy ng Opisina ni Senador Alan Peter “Compañero” Cayetano ang pangako nitong tulungan ang mga mamamayan ng Davao at General Santos sa pamamagitan ng pagtulong sa pasyente at manggagawa at pagbisita sa mga opisyal upang malaman ang kailangan ng kanilang mga nasasakupan.

Isang medical caravan ang isinagawa sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City noong May 17, 2023, at nakapag-abot ng tulong-medikal ang opisina sa mahigit 244 na pasyente mula Davao City, mga karatig-lugar, at mga katabing probinsya tulad ng Cotabato at Sultan Kudarat.

Kabilang sa mga karamdamang tinugunan ng caravan ay ang sakit sa puso, cancer, at chronic kidney diseases.

Isa sa mga nakatanggap ng tulong ang isang pitong-taong-gulang na bata na nangangailangan ng agarang operasyon para sa kanyang kundisyon. Anak ng isang single mother, nakakuha siya ng assistance mula sa caravan upang maisagawa agad ang procedure.

Nag-abot din ng tulong ang opisina sa isang sanggol na may hydrocephalus upang matulungan siyang makuha ang lunas na kanyang kailangan.

Maliban sa tulong medical, dumalaw rin ang opisina sa mga opisyal ng ospital kung saan isinagawa ang caravan.

Nakipagpulong ang mga kinatawan ni Senador Cayetano kina Chief Medical Professional Staff II Dr. Fitzgerald Arancel and Administrative Officer Ma. Lucille De Guzman upang malaman ang mga isyung kinakaharap ng mga ospital at doktor sa Davao.

Nakipagpulong din ang opisina kay Davao Vice Mayor Melchor Quitain Jr. upang maging mas malinaw ang mga problemang kinakaharap ng rehiyon para mas matulungan sila nang mas maigi mula sa Senado.

Naging bahagi rin ng kawang-gawa ng Opisina ni Cayetano ang pagdalaw sa General Santos City noong May 17.

Nakipagpulong ang mga kinatawan ng Senador sa General Santos Raja Buayan Transport Cooperative na kumakatawan sa malaking grupo ng mga jeepney drivers sa lugar.

Natulungan ng opisina ang mga driver na nabiktima ng Bagyong Paeng noong October 2022 sa pamamagitan ng Presyo-Trabaho-Kita/Kaayusan (PTK) Program.

Sa kanilang pagpupulong noong Miyerkules, tinanong ng Opisina sa coop ang kanilang kalagayan at inalam kung kailangan pa ba nila ng tulong.

Patuloy naman ang pakikipaglaban ni Senador Cayetano  sa Senado para sa lahat ng nangangailangan. Kasama sa mga panukalang batas na kanyang inihain ay ang Puhunan Tungo sa Kaunlaran Act, Barangay Health Centers Act, and the Mahal Ko, Barangay Health Worker Ko Law.### (PR / Photo courtesy from the Office of Senator Alan Peter Cayetano)

PRESS RELEASE