12 years anniversary ng Tambalan Tang-Long nagsagawa ng Medical Mission
BAGUIO CITY – Sa labingdalawang taon na paglilingkod ng Tambalan Tang-Long sa kanilang mga tagapakinig ay nagsagawa ito ng Medical Mission sa Malcolm Square noong April 29, 2023.
Pinangunahan ito ng dalawang tanyag na komentarista na sina Edong Carta at Jimmy Lozano ng Z-Radio 98.7 FM ang No. 1 Tambalan sa Radio.
Ayon kay Tatang Edong, “This is in line sa ating twelve years anniversary ng Tambalan Tang Long part of our Corporate Social and Responsibility, this is our commitment na tuwing sumasapit ang ating anibersaryo ay naging kaugalian na natin ang maghandog ng mga ganitong aktibidad na alam natin na kailangan rin ito ng ating mga kababayan para kahit paano ay masuri ang mga may karamdaman at mabigyan sila ng panlunas, mayron rin tayong Sagip-Buhay o blood donation at ngayon ay pina enhance natin na nilagyan natin ng one stop shop kaya nariyan ang Pag-IBIG, PhilHealth at SSS na maaaring magtanong at makapag update sa kanilang personal transaction.
Nagpapasalamat kami dahil habang tumatagal tayo sa serbisyong Tambalan ay dumarami ang ating mga partners in line sa public service na ginagawa natin at the same time ito yun sinasabi natin na one way of giving back sa ating mga listeners na their patronage yun kanilang tiyaga na making sa amin lolo Doro araw-araw at 8 to 10 in the morning ay hindi ito matutumbasan dahil sila ang aming inspirasyon, habang buhay ang Tambalan nariyan kami tuloy-tuloy na magbibigay ng serbisyo balita at impormasyon na walang halong pulitika,”
“Nagpapasalamat rin ako sa patuloy na suporta ng Philippine Red Cross Baguio Chapter, kasama rin ang Lions Club Baguio ng Family & Friends, at ang Cordillera Eagle ng Region 1.
“Maraming salamat rin sa aming mga sponsors na sumuporta sa aming activity ang BENECO, BCPO, EUROTEL, Jinns Coffee, Aldrits, SLU School of Medicine Batch 2024, kay Congressman Mark Go at Rocky Aliping,” pagtatapos ni Tatang Edong. # Photo by: Mario Oclaman //FNS