BAGUIO SESSION LIONS CLUB MEDICAL MISSION 2023

BAGUIO SESSION LIONS CLUB MEDICAL MISSION 2023

BAGUIO CITY – Nagsagawa ng dalawang araw na Medical Mission ang Lions Club International BAGUIO SESSION LIONS CLUB District 301-C Northern Philippines noong April 8 & 9, 2023 sa Malcolm Square.

Sa pakikipag-ugnayan sa Pamahalaang Lungsod ng Baguio sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong at ng Philippine Red Cross, Baguio City Chapter ay malaki ang naitulong nito sa mamamayan nabigyan ng libreng gamot at libreng frame eyeglasses,  mga serbisyong tulad ng blood letting, vision screening at random sugar screening.

Ayon kay Baguio Session Lions Club President Agnes Montoya, “Namimigay tayo ng libreng frame but ang aming advise pumunta sila sa mga optometrist nila para palitan yun lens na naaayon sa mata niyo, hindi kasi pwede na gamitin niyo agad itong salamin dahil masisira ang mga mata niyo dahil mataas pa ang mga grado nito kaya kailangan ay maipa check up muna ang kanilang mata para papalitan na lang yun lens, yun frame okay na yan at libre pero nakikiusap kami na pumunta muna sila sa optometrist para doon ay maipa check up ang kanilang mata, kasi bawal ito pag ginamit agad nila dahil may grado ang mga lens pero ang frames ay libre namin pinamimigay pero bawal ito dahil may batas tayo under Republic Act no. 8050 na tinutukoy dito ay ang “Revised Optometry Law ng 1995” kaya para hindi masira ang inyong mga mata ay pumunta muna kayo sa optometrist para maipa check up muna ang inyong mga mata at palitan ng lens na angkop na sa inyong eye check up,”

Sinabi naman ni Baguio Session Lions Club Past District Governor Ric Lim Chan na isa rin pastor ay, “This Black Saturday is the suffering of the Lord we can still find a way to because of what happen is because  the love of Jesus, why he came is to face the persecution and because this is the love of the Lord he came here to redeemed us to our salvation so, ito rin ang ginagawa natin na malasakit sa kapwa this is also how we can show the love to our people dahil ang plano talaga ng Panginoon ay yun pagmamahal niya sa so, itong ginagawa natin ay pagmamahal ito sa ating kapwa, hindi natin sinasabi na wala tayong problema so, this is the part of suffering that we have also as well pero inspite of that na we are not just focusing on this challenges that we are facing today but still, we can go out our way to share whatever blessing what we have , ito ang pinaka essence nitong medical mission this is a collaboration we have the Red Cross, City Government of Baguio, the Philippines National Police (KASIMBAYANAN) Simbahan at mamamayan na nagtutulong tulong,”

“We have this medical mission, optical, medicine diabetes screening, blood pressure monitoring, and bloodletting this will be until Sunday and we will conduct joint worship ecumenical service at 5 o clock in the morning this will be an Easter Sunrise Resurrection Day, and Family Day and Medical Mission,” pagtatapos ni Lim Chan.

Kasama ang mga tumangkilik sa proyekto ay ang Benguet Optotmetric Lions Club, KASIMBAYANAN, Association of Alliance Clubs International, St. John Paul Learning Center Inc., Health Services Office, Payak na Buhay Foundation, Pinescones Battalion, TG HOME BUILDERS, AN & N Water Refilling Station,  IFM Baguio and Z RADIO Tambalang Edong Carta at Jimmy Lozano.   Photos by: Mario Oclaman //FNS

Mario Oclaman