7 lucky summer visitors made a courtesy call to Municipal of Tuba officials
BAGUIO CITY – Matagumpay ang naganap na pagpili sa pitong Lucky Summer Visitor sa Flying V, Pugo, La Union noong Huwebes (April 6 ), bago bumalik ng Baguio ay tinungo muna ang Munisipyo ng Tuba upang magbigay ng courtesy call kay Municipal Mayor Clarita P. Sal-ongan kasama ang kanyang Vice-Mayor na si Maria L. Carantes at ang member ng Sangguniang Bayan na sina Reachelle Takinan, William Abance, Eugene Gabino, Garey Behis, Roger Kitma, Rebecca Apil, Nestor Baban, Oliver Paus at Julibeth Bangco-og.
Mainit na tinanggap ng Tuba officials ang pitong lucky summer visitors, nagbigay ng mensahe si mayora bilang pagpapasalamat nito sa mga bisita na unang beses pa lang makapasyal sa Baguio at Benguet at nagpasalamat rin sa lahat ng bumubuo ng Baguio Correspondents and Broadcasters Club sa pag sponsor nito na muling naibalik ang proyekto na Lucky Summer Visitor matapos ang tatlong taon ng magkaroon ng pandemic ay muling na revive ito, hinikayat rin nito na pasyalan ang iba pang 13 municipality ng Benguet dahil ang puso ng Benguet ay ang Baguio City.
Pinatikim rin ang kanilang highlight One Town One Product (OTOP) na Ava Cake sa mga bisita.
At sa pagtatapos ng programa ay nakipag photo ops ang lahat ng Tuba officials sa pitong lucky summer visitor. Photo by: Mario Oclaman // FNS