Cong. Yap namahagi ng cavan na bigas sa mga farmers at stakeholders bilang bahagi sa pagdiriwang ng Strawberry Festival
LA TRINIDAD, Benguet – (March 16, 2023) Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Strawberry Festival sa La Trinidad, Benguet ay namahagi si Benguet Congressman Eric G. Yap ng 1,200 half cavan na bigas sa mga Strawberry Farmer. Pinangunahan ni Kevin See, Chief of Staff of Benguet Congressman Yap ang pamamahagi kasama sina Municipal mayor Romeo K. Salda at Vice-Mayor Roderick Awingan na ginanap sa Strawberry Farm Complex noong March 16, (Thursday)
Sinabi ni Vice Mayor Awingan, “Alam naman natin that we are celebrating Strawberry Festival right now at kung narinig man ni Congressman na we are celebrating talagang inisip niya kung anong magandang programa na talagang bumabagay sa ating selebrasyon so, ang kanyang unang naisip ay ang pagbibigay ng honor o recognition sa ating farmers its because without you farmers and different stakeholders ng ating strawberry farm hindi makakamit yun dignidad na tinatawag natin na Strawberry Capital of the Philippines so, pag sini-celebrate natin yun strawberry festival, sini-celebrate natin yun mga sakripisyo, yun mga trabaho ng ating mga farmers at ating mga stakeholders dito sa strawberry festival, yun ang reason kung bakit tayo narito lahat para bigyan ng kulay, bigyan ng recognition ang mga stakeholders dito sa lugar na ito, ito ay konektado sa pagdiriwang ng ating strawberry festival at ito rin ay konektado sa pagmamahal ng ating butihing Congressman dito sa probinsiya ng Benguet,” ani Awingan.
Ayon naman kay See, “Sabik si Congressman na makasama kayo sa pagdiriwang ng Strawberry Festival, ngunit naging malungkot ang pangyayari dahil hindi natin inaasahan ang pangyayari na binawian ng buhay ang ama ni Congressman kaya mabigat para sa amin ito, ngunit ganun pa man ay hindi matatapos ang mga pagtulong ni Cong may mga susunod pang maitutulong at magkakaroon pa tayo ng TUPAD at ayuda tuloy-tuloy yan at maisasama namin kayo, pakuha lang namin ang mga pangalan nyo para mai check namin ito kung sino pa ang hindi pa nakakatanggap ng ayuda para sa susunod na pagkikita natin ay may P5,000 na matatanggap,”
“Tulad ng sinabi nila Cong, Mayor at ni vice mayor na yun karamihan na festival sa ibang lugar, ang promotion ay puro lang sa mga turista, ibig sabihin pinapaganda at pino-promote natin ang munisipyo para puntahan ng turista which is tama naman yun, ibig sabihin dagdag turista ang darating dito at dagdag income rin sa Farmers, dagdag income sa vendors, dagdag income sa lahat ng stakeholders natin lahat dito, lalo na kapag may mga panahon na festival na gaya nitong strawberry fest, pero pag tapos ng festival yun mga nagtanim ng strawberry, yun mga nagbebenta kahit yun mga nagtitinda ng ice cream wala sila maiuuwi na galing sa festival, walang dala-dala, walang bitbit, wala sila pwedeng sabihin sa pamilya nila, “anak, Happy Strawberry Festival” kaya noong nagpulong sila Congressman, mayor Salda at vice-mayor Awingan at nasabi nila na full support sila na tutulong ang munisipyo, dahil yun ay pagpapakita kung gaano kamahal ng ating congressman, kung gaano kaimportante kay mayor, at vice mayor kayong mga stakeholders dahil kung wala kayo, wala ang strawberry festival ,” pagtatapos ni See
Labis naman ang pasasalamat ni Mayor Salda kay Congressman Yap dahil sa mga tulong na ibinibigay nito na galing sa kanyang puso, dahil ang puso nito ay nasa Benguet, anya.
Mapalad na nakatanggap ang Strawberry Farm Backfilled Area Vendors Association, Strawberry Farm Vendors Association, Ice Cream Vendors, Private Vendors, Longterm Vendors Livelihood Association, Strawberry Fields Vendors Organization, Toyong Neighborhood and Farmers Association, BUFARNA, Sariling Sikap, BSU Strawberry Farm Parking Aides, BSU-ATBI/IC INWALL INCUBATEES, BSU-ATBI/IC OUTWALL INCUBATEES, BSU-ATBI/IC ALUMNI AGRICULTURE COOPERATIVE, BSU-ATBI/IC STAFF at Farmer Cooperator Program. Photos by: Mario Oclaman //FNS