PAGPTD nagbigay ng house materials at cash assistance sa dalawang pamilya sa Tuba, Benguet

PAGPTD nagbigay ng house materials at cash assistance sa dalawang pamilya sa Tuba, Benguet

PULIS @ UR SERBIS / Taos-pusong pasasalamat ang tugon ng dalawang pamilya mula sa bayan ng Tuba, Benguet matapos silang makatangap ng house materials at cash assistance mula sa Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) ng Benguet Police Provincial Office (PPO).

Ayon sa Benguet PPO, ang nasabing mga kagamitan ay inihatid ng mga kapulisan ng Tuba Municipal Police Station (MPS) at estudyante ng King’s College of the Philippines (KCP). Samantala, ang ginamit naman na sasakyan upang maihatid ang nasabing mga kagamitan ay ang sasakyan ni Barangay Captain, Hon. Lorna Runas ng San Pascual, Tuba.

Kinilala naman ng Benguet PPO ang mga napiling benepisyaryo na si Mr. Dolin na isang magsasaka mula sa Brgy. San Pascual at si Lola Mila Cargo, isang senior citizen naman mula sa Brgy. Poblacion.

Sa kabuuan, umabot sa Php 25,000.00 na halaga ng materyales at pera ang natanggap ni Mr Dolin habang si Lola Mila Cargo ay nakatangap din ng materyales at pera na nagkakahalaga ng Php 10,000.00

.Ang Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) ay ang transformation partners ng Benguet PPO na pinamumunuan ni Benguet Governor, Hon. Melchor Diclas. (PROCOR-PIO / File photos)

PRESS RELEASE