PAL Baguio to Cebu flight inaugural ceremonies set on Dec. 16

BAGUIO CITY – Saksihan ang magaganap na inaugural ceremonies ng Philippine Airlines Baguio to Cebu flight sa ika-16 ng Disyembre (Friday) ganap na alas-diyes ng umaga na gaganapin sa Loakan Airport, Baguio City.
Naunang ipinahayag ito ng PAL Officers na pinangunahan ni PAL Express OIC Rabbi Vincent, PAL Senior Vice Presdient / General Counsel Carlos Luis Fernandez at PAL VP on Sales Salvador Britanico Jr. na nakipag ugnayan kay Mayor Benjamin B. Magalong kasama rin si DOT-CAR Regional Director Jovy Ganongan at Baguio Tourism Council President Gladys Vergara sa ginanap na press conference noong Disyembre 2, 2022 sa Baguio Country Club.
Sinabi ng mga opisyal ng PAL na ang venture ay sumailalim sa mahigpit na operational at commercial feasibility studies upang matiyak ang ligtas at maaasahang operasyon.
Sinabi ni Ang, βThe 2-hour direct flight will ease the burden of hopping on multiple connecting trips via both land and air and will allow travelers from Northern Luzon to have extra time to enjoy the scenic tourist destinations not only in Cebu but also in other tourist hubs in Visayas and Mindanao such as Iloilo, Bacolod, Davao City, Boracay, Siargao and Cagayan de Oro City.
βWe are optimistic that this new service will help the ongoing revival of domestic tourism, as the peak holiday season fast approaches,β ani Ang
Nagpahayag naman si Mayor Magalong ng mabuting ibubunga nito sa tagumpay ng Baguio-Cebu, Cebu-Baguio regular flight venture ng Philippine Airlines na magsisimula sa Disyembre 16.
Labis ang pasasalamat ni Mayor sa pamunuan ng PAL dahil muling naibalik ang air travel sa lungsod ng Baguio dahil ito ay makakatulong sa pagpapahusay ng industriya sa turismo at lilikha ng oportunidad na makikinabang din ang ibang sektor.
Sinang ayunan rin ni DOT-CAR RD Ganongan ang nabanggit ni mayor kaugnay sa magiging malaking epekto nito na mapataas lalo ang turismo sa lungsod lalo na ngayon malapit na ang bakasyon ay madali na lang ang oras ng biyahe at makapagbakasyon dito sa Baguio, nalalapit na rin ang kapistahan ng Panagbenga kaya inaasahan na dadagsain ng turista dito sa Baguio.
Noong nakaraang Nobember 28 ay tagumpay na naisagawa ang test flight ng PAL sa Loakan Airport gamit ang Bombardier Q400 aircraft kasama ang mga ekspertong piloto na sina Capt. Rommel Tyron Goniabo at Capt. Edward Tumbaga sa command. Photos by: Mario Oclaman //FNS