Rethinking Tourism

Rethinking Tourism

Kasabay ng pagdiriwang ng World Tourism Day na may temang “Rethinking Tourism”, ipinamalas ng mga kapulisan ng Kalinga PPO at iba’t-ibang artists mula sa probinsya ng Kalinga ang kanilang talento sa kauna-unahang “Art in the Park” na naganap sa Capitol Plaza Park, Tabuk City, Kalinga.

Gamit ang pintura at paintbrush, ang 29 na mga kasali ay nagpinta ng iba’t-ibang mga larawan na nagpapakita sa ganda at mayamang kultura ng Kalinga.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Provincial Tourism Office ng Kalinga upang maipakita ang tagong talento at mga larawang makapagbibigay inspirasyon sa komunidad.

Mula sa 29 na mga kasali, sina Pat Jeremiah F Sokoken, Pat Darwin Ron D Pedro, Pat Ray C Banganan, Pat Jomari J Santillan, at Pat Jonel Langbayan ay lumahok bilang mga representante ng Kalinga Police Provincial Office.

Ang mga larawang naipinta ay naka-display at magagamit para sa exhibition sa pagdiriwang ng Indigenous People’s Month ngayong Oktubre. (PROCOR-PIO / File Photos)

PRESS RELEASE