Buhay OFW: “Sana”
Desisyon, isang salitang kailangang pag isipan ng paulit ulit. Ito ay sa kadahilanang maari mong ikapahamak kung ikaw ay nagkamali. Tutad ng dalawang kwentong aking ibabahagi ngaun. Mula sa dalawang kwento isa sa mga ito ay ibinahagi nang isang kasambahay na tubong India. Hindi man siya Pilipino ay isa pa rin siyang OFW na gustong ibahagi ang kanyang karanasan.
Si Mary (hindi niya totoong pangalan) ay galing sa India at may tatlong taon ng namamasukan bilang kasambahay sa Qatar sa kanyang amo sa kasalakuyan. Siya ay may asawa at dalawang anak. Siya ay masayahin at masipag din naman.
Ayon sa kanyang kwento hindi sana siya mamamasukang kasambahay sa Qatar kundi sa Kuwait ngunit bago siya sumakay ng eroplano papuntang Kuwait siya ay nakipagkita sa kanyang karelasyon. At sa hindi inaasahang pagkakataon siya ay nabuntis sa kanyang pangalawang anak. Hindi man niya eto inaasahan ngunit minahal niya ang kanyang anak at eto rin ang nagsisilbing kanyang inspirasyon.
Dahil sa hirap ng kanilang buhay sa India iniwan niya ang kanyang pamilya at namasukang kasambahay sa Qatar sa kanyang kasalukuyang amo. Iniwan niya ang kanyang anak bago eto mag-isang taong gulang.
Sa dami ng hirap na kanyang dinanas sa kanyang amo ngayon ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Isa sa mga eto ay ang pagpasa ng isang video niya na kung saan makikita ang kanyang katawan na ang saplot ay bra at panty lamang. Pinagsisihan niya ito ngunit dahil sa huli na ang lahat wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang naging parusa sa kanya ng kanyang amo. Ayon sa kanya dahil sa video na ito, siya ay sinaktan ng kanyang amo na kung saan makikitang nangingitim na ang kanyang mga pasa sa balikat, likod at paa. Hindi rin daw siya pinasahuran ng anim na buwan at kinuha din ang kanyang cellphone. Nakakausap lamang niya ang kanyang pamilya kung ito ay nakikiusap sa kanyang mga kasamahan. Sa ngayon tinitiis na lamang niya ang araw-araw na trabaho upang matapos ang kanyang kontrata.
Mga kababayan gusto kong ipaliwanag na ang mga bansa sa Gitnang Silangan o mga bansang Arabo, kagaya ng Dubai, Qatar, Kuwait at iba pa ay mga bansang konserbatibo. Kung saan karamihan sa mga kababaihan ay pinagbabawalang magsuot ng mga maikling damit o mga damit na makikita ang karamihan sa kanilang balat lalo na ang mga pribadong parte ng katawan. Pinaniniwalaan nilang sagrado ang katawan ng isang babae kaya naman pati ang kanilang buhok ay tinatakpan nila.
Mga kababayan ang kwento ni Mary ay pakapulutan natin ng aral. Una ay dapat bigyan natin ng karangalan ang ating katawan. Pangalawa ay pag isipang mabuti ang mga desisyon nating ginagawa huwag pairalin lamang ang puso. Ang kanyang karanasan ay hindi lamang para sa mga kababayang nasa ibang bansa kundi pati na rin sa lahat. Maging matapat sana tayo sa ating pamilya at wag magpadala sa tukso lalo na sa mga may asawa na. Dahil sa huli ang magdurusa sa saglitang ligaya ay ang ating pamilya. Gayun pa man huwag nating husgahan ang kanyang mga karanasan dahil sa ito ay bahagi lamang ng katotohanan.
Sa pangalawang kwento ay mula kay Leng leng (hindi niya tunay na pangalan) OFW sa Hongkong. Ang kanyang karanasan ay naiulat sa Hongkong News nuong Enero 20, 2021 at naibahagi sa isang grupo sa Facebook ng Domestic Workers Corner noong Enero 18, 2021. Kung saan binabalaan ang lahat na mag-ingat sa pagkuha ng litrato ng mga bata. Ito ay dahil sa batas ukol sa “Child Pornography”. Ang batas pederal na tumutukoy sa pornagrapiya ng bata bilang anumang visual na paglalarawan ng kanyang sekswal na pag-uugali na kinakasangkutan ng isang menor de edad (mga batang wala pang 18 anyos).
Siya ay kinasuhan ng kanyang amo ng “child pornography” matapos niyang kunan ng litrato ang kanyang alagang bata habang naliligo at nakaupo sa kubeta. Ang litato ay kanyang ipinasa sa kanyang amo dahil sa ito ay paulit ulit tinatanong kung ano ang kanyang ginagawa at anu ang kanyang mga natapos na sa mga gawaing bahay. Siya ay nakulong at ngayon ay nakalaya matapos itong magpiyansa. Siya ay nagpaliwanag na rin sa mga imbestigador at muling pinapabalik sa pulisya para sa nasabing kaso.
Muli kong inuulit mga kabayan ang mga karanasang ito ay hindi naibahagi upang husgahan ang kanilang karansan at sitwasyon kundi ay pakapulutan ng aral. Dahil ang kanilang mga kwento ay hindi lamang para sa mg OFW kundi pati na rin sa mga nasa pilipinas. Tandaan na ang kanilang ibinahagi ay kalahati lamang ng katotohanan.