38 PDL received a certificate of completion of ALS
BAGUIO CITY – Matagumpay ang isinagawang Graduation and Completion Ceremonies ng 38 na Persons Deprived of Liberty (PDL) na ginanap sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong August 26, 2022.
Sa unang pambungad na pananalita ni JINSP Kevin S. Pecay – Assistant Warden, BCJ Male Dorm ay binati nito ang mga pangunahing panauhin na sina Ma’am Dona Digna S. Rosario – President / Directress of our Lady of Mount Carmel Montessori; Decimay D. Chawi – DepEd ALS Mobile Teacher; Nixon C. Elahe – PSDS, Division ALS Focal Person; Baguio City Police Office – Deputy City Director for Administration PLTCOL Cherry Ann Olucan, JINSP Vilma L. Fangsilat – Warden, Baguio CJ Female Dorm; at si JSUPT Mary Ann Ollaging-Tresmanio – Warden, Baguio City Jail Male Dorm.
“This significant activity of the Alternative Learning System, Graduation and Completion Ceremonies with the theme: “Gradwet ng K-12: Masigasig sa mga Pangarap at Matatag sa Pagsubok”
“Indeed nothing can hinder achieving education, so long as there as will encourage to pursue one’s dream,”
“Today, marks a moment for dreams begin should be diligent to pursued and realized a needs great challenges to whatever cause, as our theme saying, Magpakatatag tayo sa kahit ano man banta ng pagsubok, magsipag at magtiyaga para sa pagkamit ng ating mga pangarap sa buhay,”
“To our graduates, education is about growing and maturity, the right attitude, and character beauty and not just about grades no remarks that are written on papers, we have seen that despite the difficult times you have adapted and grown undoubtedly and you have enriched yourself with the knowledge and necessary skills that you should be proud of, equipping you with education to alternative learning system makes a difference to changes lives in building as for the nation,”
Binigyan ng pagpapatibay at pagpapatunay nina DepEd ALS Mobile Teacher Ma’am Chawi kasama si ALS Focal Division Mr. Elahe at ang magbibigay ng kumpirmasyon na si School Division Superintendent Federico P. Martin sa mga nagsipagtapos na PDL sa taong ito.
Nagpahayag rin ng inspirational message ang guest of honor and speaker si Ms. Dona Digna Rosario sa mga PDL.
Naghandog rin ang mga graduates ng isang awit na pasasalamat sa kanilang mga magulang at naging makapukaw-damdamin ng personal na nila ibinigay ang rosas sa kanilang magulang, guardians at mahal sa buhay.
Sa panayam kay BCJ Warden Tresmanio, “May limang PDL ang nagtapos ng Elementary at sa Junior High School naman ay may 33 na PDL, ipinakiusap rin namin sa mga PDL kung ma release sila ngayon taon ay sana ipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral upang ito ang isang paraan na makatulong sa kanila para hindi na makagawa uli ng ganung crime kundi mabigyan sila ng edukasyon at ng makatrabaho sila ng maayos,”
Iisa naman ang pangarap ng mga PDL na mapapalaya sa taong ito, ayon sa isang female na nagtapos ng elementary ay ipagpapatuloy nito ang kanyang pag-aaral at pagsisikapan niyang makatapos upang makapagtrabaho at matulungan niya ang kanyang mga kapatid, plano rin ng isang PDL na mag-aral sa TESDA dahil magbibigay raw ng rekomendasyon ang BJMP na makapag-aral sa TESDA.
Halos maiyak naman sa kaligayahan ang mga magulang na aming nakapanayam dahil sabik na rin sila sa kanilang mga anak sa kanilang paglaya. # Mario Oclaman //FNS