Young artist member of PinoyLUG is a Master Builder of Good Vibes
BAGUIO CITY – (August 22, 2022) Nakapanayam ng Filipino News Sentinel si Cres Abellada isang miyembro ng PinoyLUG (Lego User Group) kaugnay sa kanilang pagiging miyembro at naging part ng Project Amorsolo PinoyLUG.
Maipagmamalaki niya rito ang kanyang anak na pitong taong gulang pa lang na napabilang na maging isang artist at sa tulong rin ng kanyang kapatid ay naging inspirasyon na nila ang paglikha na gamit ang Lego.
Cale Matthew R. Abellada, 7 yo, kinilala bilang isang batang artists at nabigyan ng parangal sa formal opening ng PINOYLUG’S Project AMORSOLO na ginanap sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong April 28, 2022.
Ayon kay Cres Abellada, Ama nila Cale Matthew at Crae Michael. 15 yo na pawang mga miyembro ng PinoyLUG anya, “Nauna naging member ng PinoyLUG ang kuya ni Cale na si Crae.
Two years old pa lang is Cale ay hilig na niya ang paglalaro ng Lego, hanggang naging grade school pupil na siya ay naging interest na niya ang pag create ng mga bagay na pang art design gusto na niya na maisama sa mga display exhibit pero since too young pa siya ay ipinaliwanag muna namin kay Cale na hindi pa pwede.
At noong June 2019 ay nag start na siya sumasama sa mga display ng PinoyLUG kaya naiparehistro ko na rin pina member si Cale.
Subalit, noong year 2020 ay nagkaroon tayo ng pandemic dulot ng COVID-19, hindi naging hadlang ito sa magkapatid bagkus ay tuloy pa rin at lalong naging aktibo si Cale na kasa-kasama ang kuya niya na si Crae, halos sa buong taon na nagka pandemic ay naging libangan na ng magkapatid ang Lego, madalas na rin sila nakakasama sa mga pa contest ng Lego storeph. at ganun rin sa mga online activities,”
“Twice na nanalo sa pa contest ng legostore.ph (bankee bricks) sa 2021 dearlegoph contest and sa 2022 May NeverStopBuildingChallenge ng legostoreph in partnership with Lazada”
“Malaking blessing ang natanggap namin ng mapasama kami at naging part sa Project Amorsolo, masaya si Cale dahil matututo siya sa paglikha sa history about our first National Artist na si Fernando Amorsolo, kaya masayang masaya ang magkapatid dahil naging part sila sa very historic project,”
“Yun mga ibinibigay na regalo na Lego kay Cale ay may instruction na kailangan niya makapag build na imo MOC niya ito, MOC means “My Own Creation” very imaginative and creative si Cale hanga talaga ako sa talent ng anak ko na ipinagmamalaki ko silang magkakapatid sa kanilang skills na may kakaibang talent,”
“Ang ikinaganda na maging member dito sa PinoyLUG (Lego User Group) ay hindi lang for adults kundi pati sa very young ones na tulad sa anak ko na si Cale the youngest active member sa group ay nagamit niya ang kanyang talent sa paglikha gamit ang Lego, at maaari pang mahasa ang kanyang isip habang tumatagal na nagsasanay sa kanyang pag create,”
“Marami ang natuwa kay Cale noong Formal Opening ng Project Amorsolo display sa CCP dahil sa taglay nitong pagkabibo maging ang apo ni Fernando Amorsolo na si Fernando Amorsolo Cueto ay bilib na bilib kay Cale,”
“Ang sabi naman ni Cale ay huwag raw pigilan ang pagka whacky niya, dahil sa pagiging masaya niya at ito ang kanyang impresyon,” pagtatapos ni Abellada
Nasa itaas na litrato ang mga kuha noong panahon ng pandemic na halos isang taon nila ginugol ang paglikha ng isa sa historic Project Amorsolo kasama ang kanyang kapatid.
Below photo kuha noong Formal Opening ng PinoyLUGS Project Amorsolo at awarding sa mga artist member Abellada brothers (Crae and Cale) kasama sina Fernando Amorsolo Cueto – President ng Amorsolo Foundation at Si Leslie Araujo – PinoyLUG Ambassador.
Samantala, Ginanap naman ang formal opening ng Project Amorsolo PinoyLUG exhibit sa SM City Baguio noong August 20, na kung saan ay ipinakita ang mga likha ng mga artist na naka brick mosaics ang “Early Traders, Dalagang Bukid at Bayanihan” na magtatapos sa August 26, 2022. # Mario Oclaman // FNS (Photo courtesy Cres Abellada)