Luneta residents and miners conducted a quarterly environmental cleanup

Luneta residents and miners conducted a quarterly environmental cleanup

Loacan, Itogon, Benguet – Nabigyan ng pagkakataon maimbita ang ilang local media sa isang community village sa Loacan, Itogon na kung saan ay nasa paanan ng kabundukan ng  Upper tram at ito ang tinatawag na Sitio Luneta,  upang alamin ang sitwasyon at kabuhayan ng mga kababayan natin na naninirahan sa isang mapayapang komunidad na halos nasa tatlong libong residente ang bilang nito.  

Nagsagawa ng clean-up drive activity ang mga minero kasama ang mga kababaihan na residente ng  sitio Luneta noong Miyerkules ng ala-sais ng umaga (July 27, 2022).

Ayon kay Luneta Miners Association President John C. Lantongan, “Ngayon ay araw ng General Lay-off ng mga miners natin at nakisama na rin lahat ng residente na mga kababaihan para sa emergency general cleaning,”

“Sumusunod kami sa mga patakaran at alituntunin ng gobyerno na magsagawa ng ganitong clean-up drive, hindi lamang sa trabahong pagmimina ang ginagawa namin kundi obligasyon rin namin pangalagaan ang kalikasan para na rin mapanatili ang kalinisan dito sa lugar namin,”

“Dito sa catch basin namin iniipon lahat ng mga basura na nanggagaling sa itaas, lahat ng mga basura na alam natin makakabara sa ilog ay kinukuha namin para maiwasan ang pagbaha dito,”

“Maraming tao ang nakatira dito hindi lamang mga taga-Mt. Province at Benguet, may mga taga Mindanao at Visaya na dito na rin nagtatrabaho at mga botante na rin sila dito,” ani Latongan

Sinabi naman ni LMA Vice- President Pablo Tudlong, “Pinaghahandaan namin ang pagdating ng bagyo lalo na ngayon ay panahon ng tag-ulan, kaya lahat ng LMA at mga residente, mga women’s at youth ay nagtulong-tulong kami  sa paglilinis para na rin sa amin proteksyon ito at mailayo kami sa mga kapahamakan dulot ng pagbaha at landslide.”

Sinabi naman ni LMA-BOD Jeanne Valencia, “Lahat ng community ay nakiisa at tumulong sa quarterly general cleaning namin particular sa aming mga bakuran, sa river at sa mga kalsada at isang dahilan nito ay para ma minimize ang cases ng Dengue, kaya may Oplan Linis Kontra Dengue kami ipinapatupad, pinag-iingat namin lahat ng mga residente dito kaya lahat ng pwedeng panggalingan ng Dengue na kung saan pinupugaran ng lamok ay nililinis namin lahat, kaya nagbibigay kami ng advisory sa mga residente na huwag magtapon ng basura sa ilog at lagi natin linisin ang mga bakuran natin at pagtiyagaan natin dalhin lahat ng basura dito sa catch basin,”

“Noong kasagsagan ng aming paglilinis ay nakaramdam kami ng pagyanig na iyon pala ay lindol na kaya pansamantala kami huminto at pinuntahan namin ang aming mga anak na naiwan sa bahay, nag alala kami kasi medyo malakas yun lindol, pero yun mga minero ay nagpatuloy pa rin sila, at nagpasalamat kami mabuti na lang naitaon na wala silang trabaho sa pagmina dahil naka general Lay-off ang mga miners namin, kaya ang ginawa namin ay naglinis na lang kami sa aming mga bakuran,” pagtatapos ni Valencia.

Nagbigay rin ng pahayag si LMA Adviser Ernesto Dilla kaugnay sa mga programa ng LMA,  “Nakikiisa rin kami sa mga activities ng Benguet Small Scale Federation tulad nung nag tree planting kami sa Camp 6, at may mga seminar training rin kami isinasagawa tungkol sa safety and protection ng aming mga minero, at importante talaga ay yun mapanatili namin napapangalagaan ang kalikasan dito sa lugar namin na kailangan talaga gawin ito dahil buhay rin namin ang nakasalalay kung mapapabayaan namin ang kapaligiran kaya hanggat maaari ay regular pa rin namin ginagawa itong paglilinis sa aming mga bakuran,” pagtatapos ni Dilla

Samantala, aktibo ang samahan ng mga nahalal na officers ng Luneta Miners Association 2022 na ito ang pangunahing kabuhayan ng mga residente sa Sito Luneta.

Pinanguluhan ni John C. Latongan; Vice-President-Pablo Tudlong; Secretary – Clayton G. Amayag; Asst. Secretary – Herminigilda S. Ciano; Treasurer – Ruth A. Oplas; Asst. Treasurer – Sheena Gryll Tudlong; Auditor – Crisken Julian Besyaken; P.I.O.- Jane Tudlong; Business Managers: Jomer Payakit, Juliet D. Dilla; Board of Directors: Joseph B. Agwiking, Alexander A. Bilog, Morris D. Pul-Ocan, Evangeline S. Banoca, Christopher Eng-inga, Eddie Bengwayan, Jeanne Valencia, Briones Oplas, Fermine Baltaken, Richard Dimas, Jake Dilla, Nancy M. Toyoken, Doreen B. Santos, Solidad D. Benito and Bernadette V. Fiao-Ag.  Adviser: Ernesto B. Dilla. #  Mario D. Oclaman // FNS

Mario Oclaman