Emergency Preparedness Forum sa mga Senior Citizen, PWDs at Girl Scout Council
BAGUIO CITY – Isang makabuluhan at napapanahon na paghahanda ang tinalakay sa ginanap na emergency preparedness forum noong ika-13 ng July, 2022 sa Cinema 4, SM City Baguio, kasabay ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.
Ang SM Cares ay nagkaroon ng unang pagkakataon para sa Emergency Preparedness Forum na dinaluhan ng mahigit na 200 katao na kinabibilangan ng senior citizens, Person With Disability at ng mga Girl Scout of the Philippines, Baguio Chapter Council.
Ipinakilala ang mga tagapagsalita na dalubhasa sa pagsusuri na may kaugnayan sa mga lindol at bagyo na madalas nating kinakaharap sa mga oras ng sakuna na nagdudulot ng pinsala sa ating mga ari-arian, pananim, kabahayan, at sakuna pati na rin sa buhay ng isang tao.
Naunang tagapagsalita ay si Jeffrey S. Perez ng PHIVOLCS – Supervising Science Resarch Specialist at Geologist na nagpahayag kaugnay sa paghahanda ng The Big One, understanding earthquake hazards and how to prepare for it?
Ayon sa ulat ng The Philippines: A Seismically Active Country there is an average of 20 earthquakes recorded per day, 100 to 150 felt earthquakes per year, and 100 destructive earthquakes for the past 400 years. Ipinakita rin ang ulat ng recent large earthquakes na naranasan sa Pilipinas. Noong 1968 sa Casiguran na may M7.3, taon 1973 sa Ragay na M7.0 sa Moro Gulf 1976 ay M8.1, sa Laoag 1983 ay M6.5, sa Panay ng 1990 ay M7.1, sa Luzon 1990 ay M7.8, sa Mindoro 1994 ay M7.1, sa Negros 2012 ay M6.9, Bohol 2013 ay M7.2, Surigao 2017 ay M6.7, sa Leyte 2017 ay M6.5 at sa Cotabato 2019 ay M6.0.
Sinabi ni Perez na ang naganap na July 16, 1990 sa Luzon earthquake ay may magnitude na 7.8 sa oras ng 4:26 ng hapon at ito ay may Intensity VIII Adapted Rossi Forel Intensity Scale it was a highest recorded intensity, at ang naging Epicenter nito ay nasa Rizal, Nueva Ecija na kumitil ng buhay mahigit sa 1,200 at ang estimated damages to buildings, infrastructures, and properties is P10 Billion.
Ang earthquake impacts nito ay 120 Km – Long Ground Rupture stretches from Gabaldon, Nueva Ecija to Kayapa, Nueva Vizcaya.
Ang impact naman ng Liquefaction ay naganap sa probinsiya ng Tarlac, Pangasinan at La Union.
Dulot naman ng mga pinsala sa pagyanig ng lupa ay tinamaan ang buildings, residential houses, major highways and roads, bridges on national, provincial and barangay roads, hundreds of schools and hospitals.
Ang impact naman ng earthquake – induced lanslides ay tumama sa Nueva Ecija, Nueva Vizcaya at Benguet, major lanslides in Maharlika National Highway (Digdig junction to Sta. Fe) at sa Baguio City.
Ipinaliwanag rin dito ang PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale na ang nakakasira intensity scale ay kapag umabot na sa Intensity VI – Very Strong, VII – Destruction, VIII – Very destructive, IX – Devastating at X – Completely Devastating.
Ayon pa kay Perez, ”Wala pa tayong technology para ma-forecast kung kailan darating ang lindol hindi katulad ng bagyo na sinasabi ng PAGASA, ang alam lang natin mayron tayo mga sources ng earthquake na pwedeng gumalaw at yun mga sources ng earthquake na yun ay nalalaman ng mga geologist kung gaano siya kalakas na pwedeng gumalaw and posibleng recurrence interval or repeatedness pero hindi yun eksakto talaga, so ang kailangan talaga natin ay preparedness na hindi lamang sa gobyerno dapat ang preparedness ay kasama ang pamilya at tulad nitong ginagawa natin para sa mga senior citizens at PWDs at maging sa mga bata ay dapat naituturo rin natin itong preparedness
“Itong 32nd year commemoration ng July 16 earthquake ay sana maikwento sa mga bata yun mga nakaranas ng lindol noon 1990, kailangan pa rin natin ang patuloy na preparedness at information sa mga tao para alam natin ang mga gagawin,” pagtatapos ni Perez.
Bago pa man nagbigay ng mensahe si City Councilor Betty Lourdes Tabanda ay pinasalamatan nito ang mga mahuhusay na mga tagapagsalita na naibahagi ang mga kaalaman kaugnay sa mga dapat gawin kapag may mga biglaang dumarating na disaster sa ating lunsgod.
Inilahad rin ni Hilario Esperanza – Senior Weather Specialist ng PAGASA Baguio Station ang tungkol sa Understanding of Hydromet Hazards.
Ano ang Hydromet Hazards? ito ay isang proseso ng phenomenon ng atmospheric, hydrological o oceanographic na kalikasan na maaaring magdulot ng pagkawala ng buhay, pinsala o iba pang epekto sa kalusugan, pinsala sa ari-arian, pagkawala ng mga kabuhayan at serbisyo, panlipunan at pang-ekonomiyang pagkagambala o pinsala sa kapaligiran.
Sa kanyang presentasyon ng Climatological Tracks (Quarterly) ng Tropical Cyclone sa pagpasok ng par ay may apat na quarter sa loob ng isang taon, ang First quarter (Jan. Feb. Mar.), Second quarter (April, May, June), Third quarter (July, Aug. Sep.) at sa Fourth quarter (Oct. Nov. Dec)
Nabanggit rin nito ang kanilang mission,“To protect lives and properties through timely, accurate and reliable weather-related information and services,”
Nakabalangkas sa kanyang paksa ay ang Weather Causing Phenomena, Updated Tropical Cyclone Forecast Chart, Changes to the Tropical Cyclone Forecast Areas, Revised Definition of the Super Typhoon Category, Modified Tropical Cyclone Warning Signal, Hazard Associated with Tropical Cyclone, Storm Surge at Beneficial effects of Tropical Cyclone.
May ilang tagubilin din na ibinahagi na dapat gawin upang mapanatili ang sarili na ligtas.
If at work, home or in school take cover in any interior hallways and on the lowest place in a building. Stay away from windows.
Secure outdoor objects (like garbage cans, garden tools, toys & etc) to prevent them from becoming missiles during its passage.
Lie down in any depression when a tornado is about to strike as it is considerably better than remaining upright
If driving a vehicle, stop and abandon it and seek shelter outside in the nearest depression ditch or ravine.
Ang kilalang dalubhasa sa mundo na si Dr. Ted Esguerra ng rescue and survival and Member of the Advisory Council of the International Disaster Response Network ay nagbigay ng mga practical tips kung paano makakaligtas ang mga senior citizens at PWDs sa isang posibleng sakuna.
Ayon naman kay Samuel G. Aquino – Disability Affairs Officer under the Mayor’s Office, “In behalf of the City Mayor Benjamin Magalong, thank you very much for such an invitation especially to our sector of Person with Disability in Baguio City, that was of the information that we get this activity like the emergency preparedness for every disasters that we encounter especially that Baguio is one of the prone city in our country, with this information dissemination we are very grateful of such a very informative and very healthful especially to our different types of disability the people with visual and the deaf because they were given now the tool to response to the different emergency especially on disasters, kami po ay nagpapasalamat sa anyaya ng ating SM CARES sa pamamagitan ng SM City Baguio sa pamumuno ni ma’am Rona Correa sa pag imbita sa amin sa opisina ni mayor, Person With Disability Affairs office, marami po kami natutunan, at sa tingin natin majority of our participants are coming from our sectors from the different angles of types of disability especially from the children to senior with disability,”
“As validated by our office we have already reached 3,200 Person With Disability validated in 128 barangays most common PWDs based on our statistics still the person with Orthopedic,”
Ayon naman kay SM Baguio Mall Manager Rona Correa, “For SM CARES through SM City Baguio, we really hold yun mga forum lalo na sa emergency preparedness because for PWDs and Seniors because they are the most vulnerable during disasters so, we want them to be prepared and we would like incase na magkaroon ng kalamidad alam nila ang gagawin nila and how to seek for help and assistance from our rescue operators and of course this coming July 16, anniversary ng earthquake and this is a reminder na pwedeng mangyari anytime yun disaster lalo na dito sa Baguio City and were also prone to landslides so we want them to be prepared para ma mitigate at ma lessen ang death, every year lagi tayo nai stroke ng bagyo ang pinakamahirap maka response sa emergency ay yun PWD and seniors and through SM Cares headed by Senior Vice President Bien C. Mateo siya po talaga ang nag initiate nag spearhead since he is also the Head for the PWDs Committee SM Cares na mai-disseminate to all our senior citizens and PWDs and Special Ability’s na matuto sila mag response anytime,”
Nabigyan rin ng SM Care Emergency kit ang lahat ng mga dumalo sa nasabing Emergency Preparedness Forum. # Photo by: Mario Oclaman // FNS