Enhanced Educational Program ng PMFC nakapagpatapos ng Senior High School
(PULIS @ UR SERBIS) Sa Mountain Province, dalawang mag-aaral ang matagumpay na nakapagtapos sa senior high school dahil sa tulong ng mga kapulisan.
Ayon sa 2nd Mountain Province Provincial Mobile Force Company (PMFC), ang nasabing mag-aaral ay benepisyaryo ng kanilang “Enhanced Educational Program” na kung saan sila ay nakakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa mga kapulisan.
Dagdag pa ng 2nd Mountain Province PMFC, ang pondo na ginagamit sa programa ay mula sa mga boluntaryong kontribusyon ng kanilang mga personnel bilang kanilang tulong sa mga kababayan sa Mt. Province.
At nito ngang nakaraang linggo, buong kagalakan na nasaksihan ng mga kapulisan ng 2nd Mountain Province PMFC ang dalawa sa kanilang mga scholars na nagmamartsa sa entablado at tumatanggap ng diploma bilang pagtatapos sa senior high school.
Ayon sa 2nd Mountain Province PMFC, sa kasalukuyan ay mayroong sampung estudyante ang nasa-ilalim ng kanilang “Enhanced Educational Program”, dalawa sa kanila ay nasa kolehiyo samantalang walo naman ang kasalukuyang nasa high school. (PROCOR-PIO)