Salapi
Habang nag iisip ako ng isang magandang paksa para sa column ng “BUHAY OFW”. May nabasa akong isang post sa isang grupo ng mga ofw hindi ko maiwasang masaktan sa isang post ng isa sa ating kababayang si Rouie Gi Writes. Binigyan nya ng bagong kahulugan ang salitang “Salapi” o pera. Narito ang nilalaman ng kanyang post
Salapi na puro masasakit na salita maririnig at ibabato sayo bago mo mahawakan, isang salapi na maranasan mong umiyak ng patago sa dibdib, salapi na maranasan mong hindi kumain ng isang araw o mahigit, salapi na magbigay hina sayo sa bawat salita nilang masasakit, na isang mali mo buong pagkatao mo minaliit nila,salapi na gusto mong makuha at tiisin ang sakit na danasin mo, salapi na ilayu ka sa kasiyahan ng buhay mo dahil iisipin mo lang sa buong dalawang taon kapakanan ng pamilya mo, salapi na sisira sa may mga asawa’t anak na masaya salapi na maramdaman mung pwede ka nang mamatay sa lungkot at pangungulila salapi na magawa mung mag’pakalalaki para makaya mo yung mga trabaho salapi na hindi mo alam kung buhay ka pa bukas o sa susunod na araw salapi na babangon ka araw araw para sa pangarap, kaya sana sa lahat ng hindi pa nakaranas ng salitang abroad huwag husgahan anong nararamdaman at naranasan namin bago maging masaya sa harap ng cameraSalapi na tutupad sa lahat ng aming adhikain at pangarap hindi lang sa pansarili pati na rin sa aming mga mahal sa buhay!
RESPECT EACH OTHER at ‘wag na ‘wag po kaming husgahan hindi niyo naranasan ang aming naranasan
SOMEDAY IN GOD’S GRACE WE WILL SUCCEED! LABAN LANG NG LABAN SA HAMON NG BUHAY.
Malungkot na katotohanan para sa mga karamihang ofw na nakikisalamuha sa mga ibang lahi at patuloy na nagtratrabaho sa ibang bansa. Ito ay hindi lamang totoo sa mga kababayan nating mga kasambahay ngunit kahit sa mga propesyonal at mga bihasang manggagawa.
Alam nating pera ang pangunahing dahilan ng ating mga kababayan kaya naman sinubok nilang lumayo sa kanilang mga mahal sa buhay. Alam nating ito ay dahil sa kanilang mga pangarap sa buhay, at para maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya. Hindi man natin ito nararanasan sa ngayon, hindi pa rin lingid sa ating kaalaman ang hirap at sakripisyong kanilang pinagdaanan. Tandaan na hindi lamang ang kanilang pamilya ang nakikinabang sa mga perang kanilang ipinapadala pabalik ng Pilipinas kundi ang buong bansa.
Simpleng hiling na sana huwag nating husgahan ang kanilang mga karanasan o mga bagay na kanilang nagawa para sa kanilang pamilya at mga pangarap sa buhay dahil ang mga ito ay nagmula sa kanilang mga karanasan na kanilang tiniis ng higit sa dalawang taong pagkalayo.
Mababasa mula sa kanyang post ang sakit na naidulot ng “salapi” sa kanyang buhay. At hindi lamang siya kundi pati na rin ang karamihan sa ating mga kababayan. Kaya naman hindi rin maiwasang magbigay ng mga comento, sentimento at magbahagi ng kanilang mga karanasan ang mga nakabasa kagaya na lang :
So sad but true sa kabila ng matamis mong ngiti sa harap ng camera sa. Likod nitoy pag hihirap at kalungkutan ang iyong maramdaman, kaya huwag judgemental ang mga walang alam sa salitang abroad try nyo para maranasan niyo bilang isang ofw.
Carol Jinky Quintana Sarmiento
Salapi na lilipad pero ‘ung bigat ng araw araw na kayod hindi mabilis lumipad.
Relate much .. first time ko mag abroad.. ni sa sarili ko di ko masabing kumikita ako ng $4520, kasi wala namang nagbago,. Dati sabi ko, pag ako ng abroad, mabibili ko na ang ganito,ganyan, where in fact, malaman ko lng presyu, umaatras na ‘ko.. patapos na contrata ko, 6 mos to go, pero walang pondo, nung bago pako dito , sabi ko isang contrata lng ako, ngayun di pa natatapos,iniisip ko ng mag rerenew ako,.
Sad but true, kung kelan pang akala mo okey lang lahat,saka mo lng marerealize di mo pala hawak ang bukas..
Pero ganun paman, nagtitiwala lng ako sa ng iisang nag bibigay sakin ng lakas, Ang Diyos
relate ako sa sinabi mo at sa ngpost masakit man isipin pero ganyan talaga Ang buhay kailangan tanggapin
Salapi,salaping makapangyarihan..
Hawak mo ang buhay nang sangkatauhan..
Kapag ikaw ay wala laking kahirapan..
At Kung sagana namay tungong kaguluhan..
Ikaw ay nilikha,upang guminhawa..
Ang buhay ng tao sa pakikibaka..
Subalit dapat nga bang Panginoonin ka..
Gawing alipin upang lumigaya?!!!!
naiyak ako habng binabasa s ko. ksi naging princesa man ako dati ngyon alipin nlang kaya laban lng natoto ako s lahat ng bagay n d ko kayan gawin at mg luto ng ulam ang alm k lng kumain at shopping duon shopping dto.pero hirap pla pag dmo pinapahalagan lahat ng bagay na bbagsak k nlang s kawalan natoto k s lahat ng bagay kht dmo alm gawin kkayanin m nlang pra s pangarap mo
Indeed…Pa copy po..Bigla patak luha ko..Habang binbasa..Pamilya kala nla subra gaan trabaho dito sa abrod..Pero sa likod ng camerA..Puro patak ng luha .Tiis at sakrepisyo..Tama..Laban lang..Para sa kinabukasan ..ofw life…Very very hard
nako tama ka grabe marami nang luha ang sinayang ko dito sa ama kung pinag pala,ang bibih
Salapi… natuto tayo humugot ng ating mga makadamdamin hugot mula sa kaibuturan ng ating mga puso walang halung pagkukunwari feel ka namin sender bayani tayo ng ating mga pamilya mabuhay tyo lahat na mga sumusuporta sating pamilya TRUE LOVE IS SACRIFICE
True…minsan bigla ka nlang maiyak ng hnd alam ang dahilan.
Ang pinakamahirap s isang Ina ng dahil s salaping yan…Pikit matang lalaban para s mga mahal s buhay
Gaanu man kahirap ang mga dinaranas ng ating mga kababayan sa kamay ng kanilang mga empleyado ay makikita at madarama pa din natin na hindi sila sumusuko at mas lalo silang nagsusumikap para sa mga bagay na gusto nilang makamit. Magsilbi sanang inspirasyon ang kanilang mga karanasan sa atin.