Kapulisan at KKDAT nakiisa sa clean-up drive at tree planting sa Alfonso Lista, Ifugao

Kapulisan at KKDAT nakiisa sa clean-up drive at tree planting sa Alfonso Lista, Ifugao

Bilang bahagi ng kanilang pakikiisa sa Philippine Environment Month ngayong buwan ng Hunyo, isang clean-up drive at tree planting activity ang inorganisa ng mga kapulisan ng Alfonso Lista MPS sa lalawigan ng Ifugao.

Kasama ang mga Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT), mga barangay officials at kawani mula sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Alfonso Lista ay binaybay ng mga kapulisan ang mahigit isang kilometro na bahagi ng ilog na matatagpuan sa Brgy. Busilac, Alfonso Lista, Ifugao upang pulutin ang mga basura na naiwan sa nasabing ilog.

Samantala, sa isang tree planting activity na pinangunahan pa rin ng mga kapulisan mula sa Alfonso Lista MPS, 500 binhi naman ng narra at 500 binhi ng rain tree ang naitanim ng mga kapulisan sa Sitio Erosion, Brgy. Namnama sa bayan pa rin ng Alfonso Lista, Ifugao.

Kalahok din sa nasabing tree planting activity ang mga KKDAT members mula sa Brgy. Sta Maria, mga kawani ng CENRO, at mga tropa ng Philippine Army. (PROCOR-PIO)

PRESS RELEASE