Isang lola tinulungan ng mga pulis makauwi gamit ang improvised na stretcher

Isang lola tinulungan ng mga pulis makauwi gamit ang improvised na stretcher

Sa lalawigan ng Benguet, isang lola ang natulungan ng mga kapulisan na makauwi sa kanilang tahanan.

Ayon sa 1st Benguet Provincial Mobile Force Company (PMFC), dumulog sa kanilang tanggapan ang isang ginang upang humingi ng tulong na maiuwi ang kanyang kapatid.

Ayon sa nasabing ginang, ang kanyang kapatid ay galing sa ospital at ito ay hindi na makalakad.

Agad namang tumugon ang mga kapulisan, gamit ang improvised na stretcher ay kanilang binuhat si lola mula sa Camp 30 hanggang sa Sitio Catingal ng Brgy. Caliking sa bayan ng Atok.

Dahil sa tulong ng mga pulis ay nakauwi si lola ng ligtas at komportable. (PROCOR-PIO)

PRESS RELEASE