Magalong’s peaceful vote toward victory
Kasama ni Baguio City Mayor Benjamin B. Magalong ang kanyang maybahay na si Arlene Saneo Magalong na tumungo sa Polling Place M. Roxas Elementary School sa Campo Sioco umaga ng ika-9 ng Mayo, 2022. Bagama’t napakahaba ng pila ay nabigyan ng prayoridad bilang senior, ngunit medyo natagalan pa naghanap ng precinct no. si mayor dahil sa pagkakaroon ng clustered. Nakahanda rin ang kanyang listahan ng kanyang mga iboboto at maayos na sumunod rin sa pagpila para ipasok ang balota sa Vote Counting Machine (VCM) bago lumisan ay siniguro muna ni review ang resibo bago nagpalagay ng indelible ink sa kuko nito.
Napagbigyan ng pagkakataon makapanayam ng local media kaugnay sa sitwasyon ng botohan, anya nagkaroon man ng napakahabang pila sa ibang malalaking polling place ay makikita natin ang kanilang pagdisiplina at matiyagang pumila, very orderly at maayos pero medyo crowded lang ngunit ang maganda nito ay lahat naka facemask at talagang peacefully at very systematic rin sa loob ng mga polling center natin.
“I would like to congratulate the COMELEC officials at ang mga teachers natin na sila ang nasa frontliner”
Samantala, ginanap na sa Baguio Convention Center ang counting at dito na rin ginanap ang proclamation ng mga incumbent nanalo sa pagka mayor na si Magalong na may botong 70,342, sa pagka Congressman ay nakuha ni Marquez Go ang boto na 99,372 at sa pagka Vice-Mayor naman ay nakakuha ng boto si Faustino Olowan ng 65,897. Idineklara na ng COMELEC officials na sina Secrtary Dr. Federico Martin, Chairman Atty Reyman A. Solbita at Vice Chairman Atty. Condrado V. Catral Jr. ang pagkapanalo ng city executive. Photo by: Mario D. Oclaman // FNS