BBM nakakuha ng grassroots support sa 14,600 konsehal sa bansa

BBM nakakuha ng grassroots support sa 14,600 konsehal sa bansa

GRASSROOTS SUPPORT. Officials of Philippine Councilors League (PCL) expressed their full support for the BBM- Sara UniTeam as they believed that the formidable tandem will champion local governance initiatives at the national level. A simple ceremony was held during their visit to BBM headquarters last Friday, April 22. (Photo: BBM Media Bureau)

MANILA, (April 24, 2022) – AABOT sa 85 porsyento o 14, 600 sa 17, 177 na konsehal sa mga munisipalidad at lungsod sa bansa ang nagpahayag ng solidong suporta sa BBM-Sara UniTeam sa darating na halalan sa Mayo 9.

Sa isang simpleng programa sa BBM headquarters sa Mandaluyong nitong Biyernes ng hapon, dinala ng mga opisyal ng Philippine Councilors League (PCL) ang kanilang pirmadong manifesto of support para sa kandidatura nina presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., at running mate na si Inday Sara Duterte.

“Securing 85 percent support from the 17, 177 municipal and city councilors nationwide favoring Bongbong Marcos for president and Inday Sara Duterte for vice president on the May 9, 2022 elections is sufficient to declare that majority of the legislators in our country prefer the BBM-Sara tandem that can further propel the reign of the next national government administration,” ayon sa statement of support na nilagdaan nina Konsehal Danilo Dayanghirang, PCL Chairman at Konsehal Nelson Sala, PCL President.

“The BBM-Sara imminent victory is greatly considered an opportunity by the PCL to push for its many governance advocacies securing more special benefits can cascade down the grassroots not only for the good of the PCL members but also for the Filipino people in general. These 14, 600 councilors strongly believe that BBM-Sara will champion local governance initiatives while in the national level,” dagdag pa nito.

Malugod namang tinanggap ni dating MMDA chair Benhur Abalos Jr., campaign manager ni Marcos, ang pagbibigay ng suporta ng PCL.

“Well, talagang nagpapasalamat kami sa binigay na suporta ng Philippine Councilor’s League. Alam mo ito yung grassroots noh? Grassroots ang ating mga konsehal kaya alam nila isa sila sa may pinaka-maraming miyembro dahil ilang konsehal sa bawat lugar, sa bawat presinto at para lang isipin na walumpu’t limang porsyento halos ang sumusuporta talagang nakakataba ng puso ito,” sabi ni Abalos.

Siniguro naman ni Abalos na susuklian ng BBM-Sara UniTeam ang lahat na suporta na ipinapakita sa kanila.

“Asahan po nila itong tiwalang ito ay talagang susuklian ng isang genuine na serbisyo, of course ni BBM at ni Inday Sara UniTeam. Muli maraming maraming salamat,” ani Abalos. ###

PRESS RELEASE