7 market establishment sa Baguio, pinasara ng 15 days dahil sa violation health protocols
Lungsod ng Baguio – Pitong puwesto sa Baguio Public Market ang sinampolan na pinasara matapos lumabag sa health protocols noong January 25 (Monday) na alinsunod sa Administrative Order No. 4 to 10 series of 2021 (Closure Order) ito ay laban sa mga may ari ng business establishments na lumabag sa Executive Order No.93 series of 2020 at City Ordinance of Baguio No. 45 series of 2020.
Pinangunahan ng Head-Permit and Licensing Division na pinamunuan ni Licensing Officer IV Allan B. Abayao kasama ang enforcer ng Public Order and Safety Division (POSD) na pinamunuan ni Secutiry Officer II Daryll Kim Longid.
Bago pa man isinagawa ang pag posting ng closure ay ipinaliwanag mabuti ni Longid sa mga may ari ng puwesto ang dahilan kung bakit sila nabigyan ng violation notice for closure.
Sa panayam ng Filipino News Sentinel kay Longid, “ We don’t simply issue violation notices dahil sa biglang lingap nakita natin nakababa o hindi nakasuot ang kanilang face shield, ang ating protocol ay make sure na observe mo sya na parang wala lang nakataas pa rin ang kanyang face shield hindi niya suot bago natin isyuhan ng violation notice.
“Naiintidihan naman natin na nakaka suffocate na rin ang nakasuot ng face mask tapos may face shield pa and we also have an advise to market vendors na during the time that they need to breath, kelangan lang po talaga na di nakaharap sa kanilang costumers, nakalayo sila o kung kakain man sila o magkape ay kelangan nakatalikod,”
“Paulit-ulit namin nire remind ito sa kanila para maiwasan na maisyuhan sila ng violation, binibigyan natin ng apat na violation at kasama na ang warning bago patawan ng closure order. ” Unfortunately, we force to do this just to emphasize how serious we are, hindi po naman natin ito gagawin kung wala tayong pandemya tapos may bagong variant na is much transmissible dun sa original version ng Covid-19, it is possibly more dangerous at medyo deadly.
“Frontliners rin ang ating mga vendors kasi they meet with different kinds of people yun kanilang face mask is an added layer of protection contact of their face shield kasi sila ang nakikipagsalamuha that’s to protect a market goers and themselves kasi hindi natin alam talaga kung sino ang may dala ng virus na ito.
“Alam natin na ang market ay one of the most congested area dahil dito nagko conglomate ang mga tao at possibly na puwedeng mahawaan, given that we have new variant ay mas nakakahawa ito kaya all we need is to protect ourselves, if we follow the protocols mas mapabilis yun paghihirap natin, I think one of the reason why there is transmission is because lack of discipline, magsama sama tayo this is a collective effort kawawa ang ating mga frontliners lahat fatigue na, ang ating health care sector ay overwhelm na rin ang BGH at Notre Dame ay nag declare na emergency cases na lang ang kanilang tatanggapin huwag natin antayin na ma overwhelm totally, kasi ibig sabihin niyan ay wala na tayong paglalagyan sa mga Covid positive, kaya cooperation lang ang hinihiling namin at malaking tulong na ito sa ating frontliners.
“Maaaring mapaikli ng ilang araw ang pagsasara kung makitaan sila na tumutupad ng maayos sa health protocols,” pagtatapos ni Longid. Samantala, nakapanayam rin natin ang ilang may ari ng puwesto na di umano ay hindi raw sila nabibigyan ng violation at nasisita lang sila ng una kapag nakikita na nakataas ang face shield ng mga nagtitinda, sana ay ipakita nila at isyuhan sila ng mga violation bago pa man mag warning para alam nila at upang lalo pa nila pahigpitin ang mga safety at healthy protocols sa kanilang establishment, ang iba naman ay hindi pa raw nila alam na may ganitong mga violation na ipinapatupad at bakit masyadong mahabang araw pa raw yun 15 days na pagsasara, paano na lang daw ang kikitain nila at lalo na sa mga empleyado na walang ibang pinagkakakitaan. Mario Oclaman