47 local employers offer more job vacancies on the 122nd Labor Day
BAGUIO CITY – (April 24, 2024) Sa isinagawang Kapihan sa Baguio kaugnay sa pagdiriwang ng ika-122 Labor Day na gaganapin sa Ika-1 ng Mayo, 2024 ay tinalakay ang sitwasyon ng mga manggagawa ng bawat ahensiya at pribadong institusyon sa lungsod.
Pinangunahan ni Nathaniel V. Lacambra – Regional Director ng Department of Labor and Employment ang pag-anyaya kasama ang mga katuwang na ahensya ng gobyerno at pribadong institusyon sa lahat ng naghahanap ng trabaho sa gaganaping Labor Day Jobs Fair na isasagawa sa Baguio Convention and Cultural Center na may 27 employers at 1,769 na vacancies na trabaho ang naghihintay samantala sa SM City Baguio Atrium ay may 20 employers at 376 vacancies, sa kabuuan ay may 47 local employers na may 2,145 na bakanteng trabaho.
Sa pagdiriwang ng ika-122 Araw ng Paggawa na may temang “Sa Bagong Pilipinas: Manggagawang Pilipino, Kabalikat at Kasama Sa Pag-asenso”
Ang ONE STOP SHOP ng government services: PRC Regional Director Juanita Domogen, DTI, Baguio-Benguet Provincial Director Felicitas O. Bandonill, TESDA-CAR Rep. Ma. Socorro Bulatao, PESO-Baguio Rep. Romelda Frances M. Escaño, PSA-CAR Chief Statistical Specialist Aldrin Bahit Jr., DA-CAR Representative Imelda Balawi, SSS-CAR Branch Baguio – Nancy Umoso, PAG IBIG-CAR HDMF Imelda Francisco, PhilHealth CSIO Janet M. Palaez.
Inilahad naman ni Emerito A. Narag – OIC ARD ng DOLE-CAR ang mga nakahanay na itatanghal na programa sa May 1, ang pagbubukas ng Job Fair at Ribbon Cutting ceremony ng KADIWA NG PANGULO at ang Awarding of Government Assistance Program , Awarding of TUPAD/Livelihood Assistance / GIP/ TESDA na gaganapin sa Baguio Convention and Cultural Center. (Photo by: Mario Oclaman // FNS)