345 Benguet medalist Athletes in CARAA receives certificates and cash incentives from Congressman Yap
Wangal, La Trinidad, Benguet –(June 11, 2024) Mula sa tanggapan ni Benguet Congressman Eric Go Yap ay naipamahagi ang cash incentives sa 345 Benguet medalist Athletes ang mga nanalong atleta at coach sa naganap na Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) meet noong Abril sa Apayao.
Pinangunahan nina Tublay Mayor Armando Lauro, DepEd –CAR Regional Director Estella Cariño at Chief of Staff ni Yap Kevin Edward See ang pamamahagi ng mga sobre na may mga kaukulang halaga sa bawat atleta kasama rin ang kanilang magulang na tumanggap.
Nagpahayag ng mensahe si Mayor Lauro sa mga atleta na ang mga pagsisikap ni Yap sa Benguet athlete ay mas lalo pa niya ito palalakasin sa larangan ng isport dahil naniniwala aniya si Yap na ang mga taga Benguet ay malalakas at masisigla kaya gagawin nito ang lahat ng kanyang makakaya para tuloy-tuloy ang mga panalo at makakuha ng marami pang awards at gold medal.
Hinimok rin nito ang mga atleta na panatilihin nila ang pag-eensayo dahil lalo na’t ngayon ay lumalaki na ang mga pasilidad ng Benguet Sports Complex.
Natupad ang mga pangako ni Yap na dodoblehin niya anya ang mga insentibo ng probinsiya noong buwan ng Abril para itaas ang moral ng mga atleta at sikapin talunin ang Apayao. Sinabi ni See na tiniyak ni Yap na ang bawat atleta ay makakakuha ng malaking insentibo na ang mga manlalaro ng team events ay makakatanggap ng sapat at hindi lamang hatiin ang insentibo ng isang koponan sa kanilang mga sarili.
Samantala, Maaari rin aniyang mag-udyok sa kanila na maghangad ng mas mataas sa Palarong Pambansa sa unang bahagi ng susunod na buwan na gaganapin sa Cebu City.
Sinabi ni kay Cariño,”Dadaluhan ng Benguet athletes ang gaganaping Palarong Pambansa sa Cebu City na magsisimula sa July 9 hanggang 17 more or less 700 na delegado ang makikilahok kabilang na ang mga coaches.
Kaugnay naman para sa pag host ng CARAA sa 2025, “We are happy that they intend to host, kasi ang protocol diyan they will send a letter of intent and if they will more than one then will evaluate and then the CARAA Board will decide on who will be hosting that’s why while there was a letter of intent and they will in writing the local, the governor, the congressman for the to send their intent.”
“Hosting of CARAA for 2025, We are happy that they intend to host, kasi ang protocol diyan they will send a letter of intent and if they will more than one then will evaluate and then the CARAA Board will decide on who will be hosting that’s why while there was a letter of intent and they will in writing the local, the governor, the congressman for the to send their intent .” ani Cariño
Sinabi ni See na matatapos ang swimming pool sa unang quarter ng susunod na taon sa oras ng CARAA, habang ang Benguet din Ipinagmamalaki ang pinakamahusay na mga pasilidad sa palakasan kabilang ang tartan track at ang Benguet Sports Complex pati na rin ang Olympic-sized na swimming pool. # Mga larawan kuha ni Mario Oclaman //FNS