๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ-๐ต๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐น๐ผ๐ถ๐น๐ผ ๐๐ถ๐๐
IN PHOTOS: (Top left Photo) Iloilo City Mayor Jerry Treรฑas proudly displays recent awards for governance and community development, including recognition for Economic Dynamism, Government Efficiency, Infrastructure, Resiliency, and Most Improved HUC from the Regional Competitiveness Awards. The city's I-Bike Program, promoting bike culture, also received the Galing Pook Award in 2022, with additional recognition through the Gawad Kalasag Seal of Excellence.
(Top right photo) Mayor Jerry Treรฑas inspects public plazas in La Paz, Jaro, Molo, and Mandurriao to enhance them into enjoyable spaces for Ilonggos, as they undergo successful revitalization to become functional public areas.
(Below left Photo) City officials in Iloilo City discuss proposed developments at La Paz Plaza, including plans for a koi pond and butterfly garden to enhance community enjoyment. These efforts aim to elevate city facilities for the welfare of Ilonggos.
(Below right Photo) Iloilo City Mayor Jerry Treรฑas oversees a site inspection of the Uswag Dialysis Center in Barangay San Isidro to ensure it progresses smoothly, aiming to promptly offer free services to residents. (SM Supermalls File Photos)
Tumatayo ang Iloilo City bilang maningning na halimbawa ng pag-unlad, na pinalalakas ng pangako ng tuloy-tuloy na pag-asenso at pagpapalakas sa mga komunidad.
Sa nakalipas na anim na taon, nakamit ng Iloilo City ang ilang mga pagkilala sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Treรฑas, na nakatuon sa mga pagkilos na magtataguyod ng paglago ng ekonomiya, pagpapayabong ng kultura, at tuloy-tuloy na pagpapayaman ng ating kalikasan.
Sa mga pagkilos na ito, hindi lang napataas ang antas ng siyudad, kundi napaganda rin ang buhay ng mga residente nito.
Nakakuha ang Iloilo City ng mga parangal, gaya ng pagiging Creative City of Gastronomy ng UNESCO, na bahagi ng mayamang kaalaman nito sa pagluluto at kultura. Nagwagi rin ang makabagong I-Bike Program ng lungsod sa prestihiyosong 2022 Galing Pook Award, na nagbibigay diin sa dedikasyon nito sa urban mobility.
โAng Iloilo City ay higit pa sa isang lugar; ito ay isang komunidad kung saan nagtatagpo ang pagbabago at tradisyon,” wika ni Mayor Treรฑas. “Ang aming mga tagumpay ay sumasalamin sa aming sama-samang hangarin sa pagbuo ng isang lungsod na nabubuhay sa pagiging pagkamalikhain, inclusivity at sustainability.โ
Bilang pagkilala sa pagsusulong ng pinalakas na klima para sa pagnenegosyo, nakuha rin ng lungsod ang 2023 Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU) award mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI). Tampok sa parangal na ito ang pagsisikap ng lungsod na suportahan ang mga lokal na negosyo at pag-akit ng mga negosyante na magdadagdag sa sigla ng ekonomiya.
Mahalaga rin sa plano ni Mayor Trenas ang pagpapalago ng imprastraktura para sa kinabukasan ng Iloilo City. Makikita ang katuparan ng pangakong ito sa pagbuhay sa Central at Terminal Markets sa pamamagitan ng public-private partnership sa SM Prime Holdings. Nagkakahalaga ng P1.5 bilyon hanggang P2.5 bilyon, layon ng proyekto na gawing moderno ang ang mga pasilidad ng pamilihan, at bigyan ng magandang espasyo ang mga lokal na negosyante na makatutulong sa kanila para umunlad at maitampok ang kanilang mga produkto.
โNakikita natin ang mga palengkeng ito hindi lang bilang economic hubs kundi mga community center na nagtataguyod ng lokal na kultura at pagnenegosyo,โ pagbibigay-diin ni Mayor Treรฑas. “Sa pamamagitan ng pagpapasigla sa mga espasyong ito, gumagawa kami ng pagkakataon para sa aming mga vendor na mapalago ang kanilang mga negosyo nang tuluy-tuloy.”
Kinatigan ni Steven Tan, Presidente ng SM Supermalls, ang pananaw na ito ni Mayor Trenas, sa pagbibigay diin sa papel ng SM sa pagsuporta sa mga lokal na komunidad at pagsusulong ng tuloy-tuloy na pag-asenso sa pamamagitan ng pamumuhunan sa imprastraktura.
Sa hinaharap, sinabi ni Trenas na matibay ang kanyang hangarin na isulong ang pakay na tuloy-tuloy na pag-unlad para sa Iloilo City. “Ang aming pokus ay nakatuon sa pagbuo ng isang lungsod na pinapaigting pa ang mga pagbabago, pinapanatili ang mga pamana ng kultura, at pinahuhusay ang kalidad ng buhay para sa lahat ng Ilonggo,” wika niya.
Para sa mga update sa mga pagkilos ng Iloilo City at mga proyekto para sa mga komunidad, sundan ang @SMSupermalls sa social media o bisitahin ang www.smsupermalls.com.
Samahan kami sa pagdiriwang sa paglalakbay ng Iloilo City tungo sa tuloy-tuloy at inklusibong kinabukasan. Sama-sama nating bigyang kapangyarihan ang mga komunidad at pangalagaan ang pamana ng kultura para sa mga susunod na henerasyon. (PR)